Mission 2

1 0 0
                                    

Nasa university ako ngayon, nakaupo sa isang bench malapit sa building ng college namin. Kakatapos ko lang maglunch at hinihintay ko na lang ang next subject ko.

Napahikab ako. Pang-limang beses ko nang hikab ito sa oras na to. Antok na antok pa ako. Hindi kasi ako nakauwi ng maaga kagabi dahil nagkayayaan pang magcelebrate ang mga kaibigan ko.

Ilang sandali pa ng mapansin kong may nakatingin sakin mula sa malayo. Naalerto agad ako at awtomatikong nabuhay ang inaantok kong diwa. Tumayo ako at dali-daling nagtago sa puno ng acacia malapit sa bench na inuupuan ko.

Nagpalinga-linga ako at pilit hinahanap ang presensya na nararamdaman ko. Bakit ganito? Ano bang nangyayari sakin?

"Boo!" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng isang babae ang tumalon mula sa puno ng acacia. Tumatawa itong tinitignan ang reaksyon ko.

"Fuck you, Christine. Fuck you!" Bulalas ko sa nanggulat saakin. Lalo lang lumakas ang tawa nya.

"Look at you, you looks scared!" Tumatawang sabi nya saka ako tinuro. Marahas na hinawi ko naman ang kamay nyang nakaturo sakin.

Inilabas nya ang apple mula sa bulsa nya saka ngiting-ngiting kumagat dito. Like the usual. Napairap ako.

"Shut up." Umalis ako sa harap nya. Naglakad ako papuntang building ng college namin. Malelate na ako sa Literature Class ko.

Hinabol nya ako at sinabayan ako sa paglalakad. Kumapit pa sya sa braso ko.

"Sorry na. Ikaw naman kasi, nagpapaka'loner ka nanaman." Ngumuso pa sya. Childish gesture. Napairap ako.

"Who cares." Matigas kong sabi saka ko inalis ang pagkakahawak nya sa braso ko. "Get lost. May klase pa ako." Saka ako tuluyang pumasok sa loob ng classroom.

Ngiting-ngiting kumaway pa sya sakin saka tuluyang umalis. Napabuntong hininga ako. Wala akong takas sakanya. Kahit saan ako magpunta nakikita at nakikita nya pa din ako.

Natapos ang dalawang klase ko nang walang masamang nangyari. As usual, hindi ako pinapansin ng mga kaklase ko which is fine with me kasi hindi ko din naman sila papansinin.

Wala akong klase sa ikatlo at ikahuling subject dahil may meeting ang prof. ko doon. Kaya napagpasyahan kong umuwi na para matulog. Blessing in disguise na din na wala na akong klase dahil makakapag-bawi na ako ng tulog.

Pero kung mamalasin ka nga naman 'no? Bigla akong nakareceive ng text mula kay Christine. At sinabi nya doon na may pupuntahan kami. Utos iyon kaya hindi ako pwedeng tumanggi.

Naglalakad ako patungong parking lot ng mapansin ko ang grupo ng limang lalake na naglalakad sa kabilang building. Mukhang papuntang parking lot din sila kaya mas lalo kong binagalan ang paglalakad ko. Ayokong makasabay sila sa paglalakad. Hindi ko gusto ang ginagawa nila sa tuwing makikita ko sila.

Huminto ako para paunahin sila sa paglalakad. Sinigurado kong hindi nila ako makikita o mapapansin manlang. Nang nasa harapan na sila at nauuna sa akin, mula sa pwesto ko ay dinig na dinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Saan ba tayo, bro?" Tanong nung may kulay brown na buhok. Malalaking lalake sila. Halata naman dahil ang lalaki ng katawan nila. Mga mukhang rich kid. Napairap ako.

Naglalakad na din ako sa likod nila ng mabagal yung tipong hindi nila mararamdaman na may taong naglalakad kasunod nila. Masyado silang maingay. Hindi nila iniisip na nasa isang eskwelahan sila.

"Sa Green grass shooting range tayo." Sabi naman nung isang mukhang adik dahil sa dami ng piercing nito. Napangiwi ako, hindi ba sya nasasaktan everytime magpapahikaw sya sa mukha nya?

Nang mga nasa tapat na sila ng kotse nila ay saka ako nagpatuloy sa paglalakad. Alam na nilang kasunod nila ako dahil lumingon ang isa sakanila at tiningnan ako kaya naman nakuha ko ang atensyon nila, na hindi ko naman talaga gusto. Ramdam ko ang mga titig nila habang palapit ako sa sasakyan ko. Alam ko, nawiwirdohan sila sakin. Pero wala akong pake. Hindi ko obligasyon na ipaliwanag anh sarili ko sakinala. After all, sino ba sila?

Nang makapasok na ako sa loob ng kotse ko ay doon lamang ako nakahinga ng maluwag. Inilabas ko ang cellphone ko ng maramdaman kong nagvibrate ito. Binasa ko ang laman ng text ni Christine. Napahampas ako sa manibela ng sasakyan ko ng maalalang doon din ang tungo ng mga lalakeng nasa unahan ko kanina. "Shit!"

Napatingin ako sa labas ng sasakyan ko. Nandoon pa din sila, nagtatawanan habang naninigarilyo. Cool na sila ng dating nilang yan?

Ilang sandali pa akong tumunganga sa loob ng sasakyan ko ng mapagpasyahan kong umalis na doon. Baka magwala na si Christine kapag mas nalate pa ako. May saltik pa naman ang isang iyon. Hindi ko pa din makalimutan yung ginawa nyang panggugulat sakin kanina. Wala ako sa wisyo non kaya automatic ang biglaang pagresponse ng katawan ko sa naramdaman kong kakaiba, iyon pala ay isa nanaman sa mga kalokohan nya.

Hindi ko alam kung bakit panay ang tingin ko sa sidemirror ng sasakyan ko. Ano ba? Tinitignan ko ba kung kasunod ko sila? Kung pupunta ba talaga sila doon? Hindi ako mapakali. At hindi ko alam kung bakit. Naiinis na ako sa sarili ko. Binilisan ko na lang ang pagmamaneho.

Hindi pa ako nakakapagpark ng maayos ay walang humpay nang kinakalampag ni Christine ang bintana ng sasakyan ko. Sa inis ko ay bigla kong binuksan ang pinto ng naipark ko ang sasakyan ko ng maayos. Sa sobrang lakas ng pagkakabukas ko ay natumba sya at napaupo sa mabatong parking lot. Tumilapon naman sa ere ang apple na hawak-hawak nya.

Nanlaki ang mga mata ni Christine. "Yung apple kooooo!" Slowmong sabi nya. Mabilis kong sinapo ang apple gamit ang freehand ko ng nasa tapat ko na ito.

"Ouch naman!" Nakangiwing reklamo nya.

Inirapan ko lang sya. Bagay lang sakanya yan. Ang kulit-kulit nya masyado.

Nang makarecover na sya ay dali-dali nyang binawi sakin ang apple nya saka ito hinalik-halikan pa. Yan ang weird.

---
ClaveronIsReal

Twitter&IG: @colinaresjac

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Angel With  A ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon