"Good job, Agent A8!"
Simula nang dumating ako dito sa base ay iyang salitang yan ang paulit-ulit kong naririnig na sinasabi ng mga taong nakakasalubong ko sa hallway patungo sa center base. Puro ngiti lang ang naisasagot ko sakanila dahil nakakapagod kung paulit-ulit akong magsasalita. Nakakaubos ng laway ang ganun.
Hindi pa man ako tuluyang nakakaapak sa loob ng center base ay may sumalobong na saakin na isang napakahigpit na yakap na sa sobrang higpit ay halos maipit na ako ng taong yumakap saakin.
"Damn! Ang lupit mo talaga, A8!" Sigaw pa nya sa mismong tapat ng tenga ko kaya bigla ko syang naitulak, pero hindi naman malakas.
"Lower your voice, V5. Ang sakit sa tenga ng boses mo." Reklamo ko saka ako nagtuloy sa paglalakad papasok sa loob ng center base. Sinabayan naman ako ni V5 sa paglalakad at humawak pa sya sa braso ko. Napaka-kulit nya talaga.
Mula sa pintuan ay nakikita ko si Head Agent na nakangiting nakatayo at nakaharap saakin na tila hinihintay talaga ang pagdating ko. Gayun din ang iba pang mga naroon, maging sila ay mga nakangiting nakatingin din saakin. Halatang masaya silang lahat.
Nang tuluyan na akong makalapit ay inilahad ni Head Agent ang kanyang kamay. Walang alinlangang iniabot ko iyon at nakipag-handshake sakanya.
"Good job, Agent A8. Napaka-risky ng ginawa mo ngunit napagtagumpayan mo pa din ang misyong ito. Masuhay." Nakangiting saad ni Head Agent.Nagpalakpakan naman ang mga nandoon at walang humpay na good job pa din ang naririnig ko mula sakanila. Isang malakas na pagtapik naman sa balikat ko ang ginawa ng napakakulit na si V5.
"Fuck!" Daing ko. Napapikit ako sa sakit na naramdaman nung tinapik akong muli ni V5. Sinamaan ko sya ng tingin.
"Are you okay Agent A8?" Nagaalalang tanong ni Head Agent.
Akmang hahawakan ulit ni V5 ang balikat ko ngunit iniharang ko ang aking kanang kamay. "Don't." Pagpigil ko sakanya.
Nakita ko naman sa mukha ni V5 ang kaba at pagaalala. "Anong nangyari dyan?" Tanong nya.
Napangisi ako. "Tinamaan ng lintik."
Bahagyang natawa si V5 sa sinagot ko sakanya saka sya nagpasyang samahan ako sa Medical Room.
Habang naglalakad kami patungo sa Medical Room ay iniisip ko pa din ang aking kakatapos lang na misyon. Isa sa pinakamahirap na misyon na naiatas saakin kaya naman inabot ako ng dalawang buwan bago matapos iyon.
"Uyyy A8 bilisan mong maglakad baka hindi na natin maabutan si Nurse R14." Sabi ni V5 habang nakatulala at nakangisi. Napairap ako. Pinagpapantasyahan nanaman nya si R14.
Ultimate crush nya kasi yon. At sa tuwing may Agent na nasusugatan dahil sa mission nila ay si V5 mismo ang nagvovolunteer na samahan sila patungong Medical Room which is quiet creepy coz not all Agents here are closed to each other. Magkakakilala kami, but we dont treat one another as a friend. Kumbaga, kaya kami nandito at magkakasama dahil magkakatrabaho kami. We work on the same company and thats all.
Nang makarating kami sa Medical Room ay lalong umaliwalas ang mukha ni V5. Para syang bulate na sinabuyan ng asin. Napairap nanaman ako. Hindi naman sya masyadong obvious na patay na patay sya kay R14 'no?
"R14, paki-asikaso naman ang puso ko. I mean ang kasama ko." V5 said with a pabebe tone and gesture.
I mentally face palmed. She's so unbelievable!
Nginitian sya ni R14 saka ito bumaling saakin at pinaupo ako sa isang hospital bed. Nakita ko naman si V5 na halos himatayin na sa sobrang kilig dahil lang sa nginitian sya ni R14. Napailing na lang ako.
"Congrats nga pala A8. Ang galing mo talaga." Sabi ni R14 habang chine-check nya ang left arm ko.
Ngumiti ako. "Salamat."
Si V5 naman ay dahan-dahang umupo sa katabing bed na inuukopa ko habang titig na titig sa nakatalikod sakanyang si R14. Baliw na sya.
Hindi ko masyadong iniintindi ang ginagawang paggamot ni R14 sakin dahil nakatutok ang atensyon ko sa nababaliw na si V5. Habang nakatitig sya kay R14 ay dahan-dahan syang dumukot sa bulsa ng jacket nya at inilabas ang isang apple. Hindi nya pa din inaalis ang paningin nya kay R14 habang dahan-dahang kinagatan ang apple nya.
Apple again? I wonder kung ang pocket ba ng lahat ng jackets nya ay parang pocket ni doraemon. Hindi kasi nawawalan ng laman. Ang pinagkaiba nga lang, yung kay V5 ay puro apple. Weird. Pero hindi ko naman magawang ijudge sya dahil lang sa lagi syang may kagat-kagat na apple.
"V5." Mariin kong pagtawag sakanya. Pero sya ay parang walang narinig, ni hindi manlang nya ako nilingon.
Dumukot ako sa bulsa ko at luckily may nakuha akong isang barya, inihagis ko yon kay V5. Nakasimangot syang nilingon ako. "What?" Asik nya.
Sinamaan ko sya ng tingin. "You know what V5? You're weird." Sabi ko. Then I heard R14 chuckled. Kaya nanlalaking matang tinignan ako ni V5.
"Okay na A8. Mabuti na lang at minor injury lang ang nangyari sa left arm mo. Sa susunod mag-ingat ka na." Nakangiting sabi ni R14 habang nililigpit ang mga ginamit nya.
"Hindi na nya kailangan magstay dito?" Asked V5 with a disappointed tone. Baliw talaga. Gusto pa yata ako magstay dito para lang makita ang crush nya.
Ngumiti si R14 saka umiling. "No need. Hindi naman sya malala."
Bumuntong hininga si V5 saka malungkot na tumango. Hinawakan ko na lang sya sa braso saka itinayo. Napaka-abnormal nya. Kung gusto nya dito pwede naman syang magpaiwan, idadamay nya pa ako.
"Alis na kami, R14. Salamat." Sabi ko saka hinila na palabas ng Medical Room ang walang kabuhay-buhay na si V5.
Bumuntong hininga ulit sya.
"Saktan kaya kita? Yung matindi para dalhin ka sa Medical Room at doon na magstay habangbuhay. Ano?" Suhestyon ko.Namutla naman si V5 saka sunod-sunod na umiling.
"No way! I'd rather be with you everytime mainjure ka kesa saktan mo ako. You're too strong. I might kill me, bitch." Saad nya. Natawa na lang ako saka nagpatuloy sa paglalakad.
Dumeretso kami sa bulletin board kung saan nakapaskil ang mga mission. Baka may panibagong mission ako or si V5. Titignan namin.
Ilang segundo ang lumipas at napangiti ako ng malapad.
"No mission!"
---
So? Balak nyo pa ba magpatuloy? Its up to you. Di ako namimilit.ClaveronIsReal
Twitter&IG: @colinaresjac
BINABASA MO ANG
Angel With A Shotgun
AksiMaaksyon na kwento. :D Para sa fan ng 5SOS ♥ (Lame description. Lol. Wala pa akong maisip eh. Haha!) Enjoy reading na lang ;) ---- ClaveronIsReal