Mission 1

1 0 0
                                        


AN: POV po ito ng isang lalake. #JustSaying :D as of now, secret muna ang identity ng mga main character. Pero kapag nagpatuloy kayo sa pagbabasa ay unti-unti ko na silang ipapakilala.

Warning BAD words
-----

Nakatambay kami ng mga kaibigan ko sa parking lot ng university ng dumating ang isang kulay pink na kotse. Napangisi ako. Babaeng-babae. Tinignan din iyon ng mga kaibigan ko.

Pamilyar na saamin ang kotseng yon dahil sa tuwing dumadating yon ay nandoon kami ng mga kaibigan ko sa parking lot, nagyoyosi, chumichill, nagkekwentuhan, at nagtatawanan.

"48.. 47.. 46.. 45.. 44.." Nagka-countdown ang isa sa kaibigan ko habang nakatingin sa pink na kotse. Dahil nga lagi kaming nandito ay alam na alam na namin kung gaano katagal bago lumabas ng kotse ang may-ari non.

Napapailing na lang ako at natatawa sa mga kalokohan ng tropa ko.

"Tangina. Ang weird nya talaga." Bulong ni Luke. Ang isa sa barkada ko. Sumang-ayon naman ang mga kasama namin at sabay-sabay na tumawa.

"Manahimik nga kayo mga gago kayo." Natatawang saway ko din sakanila. Kahit ako ay nawiwirdohan sakanya.

Ano kayang ginagawa nya sa loob ng sasakyan nya bago sya bumaba? Bakit sya inaabot ng tatlong minuto bago bumaba ng sasakyan nya? Hindi namin alam dahil hindi namin sya makita, tinted ang sasakyan nya.

"3.. 2.. 1.." Patuloy na pagcountdown ni Michael.

"Ayan na sya." Dagdag naman ni Ashton.

Sabay-sabay kaming napatingin sa dahan-dahang pagbukas ng pinto sa driver's seat at dahan-dahang pagbaba ng taong may-ari ng sasakyan. Ang bagal nyang kumilos na sa sobrang bagal ay akala mo nagislowmo sya sa paningin mo.

Lumabas mula sa pink na tinted na kotse ang isang maputi at makinis na babae. Nakafullbangs sya na parang kay dora, at shoulder length na buhok. Parang dora talaga. Nakaflats na sapatos at pink na bag. Parang bata sya kung titignan mo sya. Ang problema nga lang, wala syang confidence.

Nang nasa tapat na namin sya ay biglang sumipol si Calum. Pero hindi sya pinansin nung babae at derederetso lang ito sa paglalakad. Wala syang confidence. Nakayuko sya habang mahinhing kumikilos na parang takot na mapansin ng ibang tao. Kumbaga, parang ayaw nya ng atensyon.

Lahat kami ay nakatingin sakanya.

"Wooh! Snob sa personal!" Angal naman ni Luke nang makalayo na ang babae samin at tuluyang makapasok sa university.

"Para sakin, hot pa din sya." Nakangising tugon ni Ashton habang nakatingin sa dinaanan nung babae.

"Kahit sino naman ay hot para sayo hayop ka."
Sunod-sunod na batok naman ang natanggap nya mula sa mga kaibigan namin. Tumawa lang ako.

"Weird pa din sya." Dugtong naman ni Calum.

Nakatingin lang ako sa kotse ng babae. Lagi namin syang nakikitang dumarating pero ang mismong mukha nya ay hindi pa din namin alam dahil sa tuwing bababa sya ng kotse nya ay awtomatikong nakayuko na sya at natatakpan na ng bangs nya ang mukha nya.

Madaming nagtatalong tanong sa isip ko. Bakit kaya sya ganon? Or baka may peklat sya sa mukha nya? Or baka panget sya? Pero parang hindi naman? Ewan. Napailing na lang ako. Bakit ko ba iniintindi yon. Tss.

Hinithit ko ng huling beses ang yosi ko sabay itinapon ito sa lupa at inapakan para mamatay ito.

"Pasok na tayo." Yaya ni Michael.

Tumayo na ako sa pagkakasandal sa kotse ko saka sinimulang maglakad papasok ng university. Pumapasok lang kami para mangbabae at magbulakbol hindi para mag-aral. Ganun talaga. Masyadong boring at nakakantok ang mga naging prof. namin kaya kahit magkakaiba kami ng klase at schedule eh sabay-sabay pa din kaming pumapasok. Wala kaming pakealam.

Lunch break na ng karamihan sa grupo namin kaya ang iba samin ay nagcutting na lamang at sumabay samin na maglunch.

Naglalakad kami patungong canteen ng hindi ko sinasadyang makita ang babaeng may-ari ng pink na kotse na mag-isang nakaupo sa isang bench sa may mini forest ng university. Nakaharap sya samin pero nakayuko pa din sya. "Kailan kaya sya titingala?" Natanong kong bigla.

"Huh?" Naguguluhang tanong naman ni Luke. Sya ang kasabay kong naglalakad papuntang canteen.

Natigilan ako dahil nagulat ako sa biglaang pagsasalita ko. Nababaliw na yata ako. Tinignan ko sya habang sya ay naguguluhang tinignan ang lugar kung saan ako nakatingin kanina.

"Anong pinagsasasabi mo?" Nakangising tanong nya pero hindi pa din nya inaalis ang tingin doon.

Muli kong tinignan ang bench at napakunoot ang noo ko ng makitang wala nang tao doon. San nagpunta yon? Alam ko nakaupo sya doon. Bakit biglang nawala sya? Kinilabutan ako. Baka multo yon? Hindi ako takot sa multo dahil hindi pa ako nakakakita ng ganon. Pero kahit na, kahit lalake ako hindi ko pa din alam. Matatakot ba ako? Ewan ko.

Napailing na lang ako. Namalikmata lang siguro ako.

"Para ka nang si Lady in Pink. Weird mo na din, bro." Natatawang sabi ni Luke saka ako hinampas sa balikat at nagtuloy sa paglalakad.

Lalong napakunot ang noo ko. Lady in Pink? Nakita ba ni Luke yung babae sa bench? O namalikmata lang talaga ako? Ang gulo! Nalilito ako fuck! Sobra-sobrang pag-iisip ko na ito sakanya, hindi na ito maganda.

----
Hi sa fans ng 5SOS! *wink wink*

Naisip kong ipangalan sa mga kaibigan ng isa sa main character ang 5SOS. Syempre dahil fan din ako!

Calum x Luke x Ashton x Michael

Pero yung main guy character identity, secret munaaaa :)

>claveronisreal

Twitter&IG: @colinaresjac

Angel With  A ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon