Dear Roland,
Hoy! Bakit ka ba ganyan ha? Kanina sa orientation di ka namamansin. Nakita ko na nasa kabila ka lang pero di tulad ng dati na nakatingin ka sa akin, na halos mapapaso ako sa mga titig mo pero kanina wala na.
Nahopia pa ako ng kaunti, akala ko kasi ako ang tintingnan mo, hindi pala. May kausap kang babae, yung babaeng tuod! Yung walang energy! Tres yata name nun? Nah! Di ko alam name nya, basta yung babaeng education na mukhang stick na pinatayo!
So back to the topic, nakaharap ka kasi sa akin, kaya nag assume ako na tinititigan mo ako! Saklap noh? Pero wala naman akong pake! Basta ayaw ko sa girl! Di ko sya gusto, hate ko sya!!
Nga pala, ano pa ba ang hinihintay mo pasko? Malapit na magpasko pero yung friend request ko di mo pa naaccept. Subra naman yata yun! Ganun naba ako kapangit? Oo na! Tanggap ko na! Ako na pangit, basta ikaw alien! Tsk.
—mae
BINABASA MO ANG
She's Invisible
Short StoryMae (the invisible girl) 's compilation of letters to the guy named Roland. She's already 18 but she's still NBSB(no boyfriend since birth). She don't care about love and boys before until she met this guy. Will he be her first love? Or he will be...