Dear Roland,Yeahey! Summer ends, so it means welcome back school days! For every students out there this day is a HELL! But for me, it's an exciting day! Dahil makikita na kita ulit! Ewan ko ba bakit excited pa din akong makita ka kahit sinaktan mo ako ng subra. Alam ko namang hindi mo sinasadya eh, pero dahil talaga sayo eh.
Nakasakay ako ngayon sa bus, I can't help myself in imagining the scene when we both see each other.
Ano gagawin ko? Do I need to hug you? Hmm, masyado naman yatang inappropriate yun! Maybe I will just scream your name like "ROLAND!!" then I will run to you.
Erase, erase, erase. Maybe I just need to be calm, relax, parang wala lang.
Yun! Yun ang gagawin ko!
Hayyy, excited na talaga akong makita ka. Kumusta ka na? Naka uniform kana ba ngayon? Hmmm, tumaba ka na ba? Mukha ka na bang tao? Di ka na ba alien? Hindi ka na ba maputla? Medyo gumwapo ka ba?
Siguro masasagot lang yan pag makita na kita.
Ako, medyo pumayat, medyo umitim din. Alam mo na naghahanap ng makikitaan. Pero yung business ko. Pinasa ko na sa kasama ko. I just can't afford to take a risk. Pano nalang kita mastalk kung wala na akong time diba?
Halika! Tabihan mo ako. Ayyy, hindi pala pwede pang isahan lang ang upuan ng bus na toh eh. Hihihihi
Tsk. Sana excited ka ding makita ako noh. Pero hindi eh. Sana kahit katiting man lang namis mo din ako. Namis mo ba ako? Kasi ako, oo! Sobra sobra pa nga eh.
Pero still, see you sa school mamaya.
Kahit na sinaksaktan ko lang yung sarili ko. Gusto parin kitang makita.
—Mae
BINABASA MO ANG
She's Invisible
Short StoryMae (the invisible girl) 's compilation of letters to the guy named Roland. She's already 18 but she's still NBSB(no boyfriend since birth). She don't care about love and boys before until she met this guy. Will he be her first love? Or he will be...