#45

20 13 0
                                    

Dear Roland,

        Pinipilit kong ngumiti sa mga costumer ko kahit napaka haggard ko na. Kahit na yung buhok ko beyond messy hair na, kulang nalang ng walis pwede na akong lumipad. Kahit na pwede ng pag pritohan ng itlog ang noo ko.

Baka sakali kasing may

May

May

May bumili pang gwapo. Yung hindi katulad mo na mukhang alien. Yung
Karapat dapat na mahalin!

Alam mo ba? May bumibili ditong mga magsi-seaman, yung magtri-training nalang. Alam mo yun? If maging kami nun at least mabubuhay ako ng may maraming pera.

Meron din ditong mga bagong pulis yung kakapass lang ng mga exams. Tsk, at akalain mo yun ang cute pa nung isa, at yung isa naman ang gwapo! Mayaman pa! Saan pa ako makakahanap nun? Cute or gwapo, may trabaho, mayaman, at pwedeng ipagmalaki!

Meron din dito na isang gwapong lalaki na maputi, hindi man katangkaran pero ang tangos ng ilong, tapos ang mata parang kape. At alam mo? Mayaman ang pamilya nun, malaki ang lupa, taga bundok sila eh. Andito lang sya para tumulong sa negosyo ng tita nya. Hayy, sa kanya, wala na talaga akong problema sa lupa, fresh pa ang makakain ko. Tapos masipag pa.

Meron din ditong foreigner! Hazel yung mata,German kasi! Maraming tattoo, masasabi mo talagang artist! Kahit na halos 10 years ang agwat namin, pwede na din! Dayo lang yan dito, maraming pera, pero walang trabaho. Tinutustusan lang kasi ng nanay. Ganun sila kayaman. Ang alam ko isang stockholder ang parents nya.

May nurse din dito na subrang bait. Napaka down to earth. Hindi nga ako mag-aakalang nurse yun kasi nakikisabay sya sa streettalks. Mga 7-10 years ang agwat namin pero ok na yun! Hindi man ganun ka gwapo pero maganda ugali!

Meron din mga nagpapapansin sa akin dito. Hindi ko sila mabilang, marami sila eh.

Kaya,

Makakalimutan din kita!

Sana.

—Mae

She's InvisibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon