Bridge 1

21 1 0
                                    

Chapter 1

Bakit baa? Bakit kung sino pa yung sinusuyo, sya naman yung nag-mamaganda? Huhu.

Jokes! Hahaha, maganda naman talaga yung bestfriend kong iyon. Sikat pa sa school namin.

Syempre, ikaw ba naman may besty na Athlete na nga, gold medalist pa at maganda pa. At di lang basta-bastang sports yung sinalihan nun, martial arts pa. Karatedo! Kyaah! Oops! Di bagay.

Haha, at meron pa. Si Edgar, ang MVP at Team Captain pa sa chess at saka isa sa mga Hotties dito sa school yung boyfriend nya. Ay, "ex"-boyfriend nya na pala, sabi ng besty kong si Alice.

Sayang nga sila eh. Shipper pa naman ako nang love team nila. Huhu! Tapos maghihiwalay din naman pala. Dami pa naman nilang fans. Waaah! Juskoo! Wala talagang forever!! Nakakalungkot. Huhu!

"Hoy besty! Ano bang iniiyak-iyak mo dyan? Tinutopak ka nanaman ba?"

Si Alice yan. Siga din pala yan. Hehe, pero wag kayo, wag talaga! Kahit ganyan yan, mahal ako nyan.

"Wala! Ako lang talaga yung nalulungkot sa paghihiwalay niyo ng boyfriend mong si Edgar, besty."

Naka-sad face with pouting lips pa ako niyan para may effect. Hihi. Cute ako eh.

"Besty! Hiwalay na nga diba? Tsaka, "EX-Boyfriend" na besty. Tsk, tsk! Nakuu Nicole ah! Sinasabi ko talag sayo. Move-on na please! Ako nga naka move-on na. Ba't ikaw hindi pa?"

"Kasiii naman.. Ano.. Hehe.. Kasi ano.. Sayang talaga eh!! Tsaka humingi naman ng tawad sayo si Edgar ah at gusto nga'ng makipagbalikan. Hehe! Oopsy! Sorry! Di sinasadya marinig yung usapan niyo sa rooftop. Konti lang naman narinig ko besty. Hihi! Tsaka nakiusap sya sa'kin.. Ay!"

Paktay! Malapit na akong mabuko dun ah. Me and my not so big mouth.

"Ano yun besty? Nakuuu besty! Sinasabi ko sayo, kung ano man yang plano mo, pakitigil lang please!"

"Wala! Wala besty! Ang sinabi ko, ano, narinig ko lang yung pinag-usapan nyo. Hehehe! Taralets! Kain na tayo. Gutom na po yung alaga ko sa tiyan. Lunch time na!"

DISMISSAL. Yees! Awasan na. Hihihi.

Gusto ko sanang mag Mall ngayon. Kaso si Besty, nauna nang umalis. Naghihintay na kasi Mommy niya, may lakad daw sila. Nakakalungkot tuloy mag-isa. Huhuhu! T.T

Maka-uwi na nga lang at magwa-wattpad. Yeeeey!

BAHAY.

I'm soo full. Sarap talaga magluto ni Mama ng ulam. Nakoo! Ba't ba di ako tumataba? Huhu! Feeling ko ang kalansay ko na kahit ang dami-dami kung kinakain.

Ma-open nga facebook ko. Hihi!

Scroll. Scroll. Scroll.
Oy! Hugot si ateeng! Like!

Scroll. Scroll. Scroll.
Basa. Basa. Basa. Basa.

OMG!! Pogeeeee! Hihi. Heart!

PLOP!!

May nag add. Hmm, sino kaya to?

*Edgar Victoriano added you.*
| Confirm | Reject |

Oh! Si labidabs pala ni besty. Ma-confirm nga.

PLOP!!

Hmm. May nagmessage.

*Edgar: Uy! Magndang Gabi! Patulong sa bestfriend mo ah. Ayaw nya ksi akong kausapn.

*Nicole: Good eves din po! Walang problema po!! Basta ikasasaya ng besty ko. Hihi. ;)

*Edgar: Salamat tlga. Mabuti kpa ang dali mong kausap, samantlng bestfriend mo ayw akng pakinggan.

*Nicole: Ganun po talaga yun si besty. Wag kang mag-alala, I will help you po, to have her back. Eeeeh! Nakakakilig tlga kayooo!

*Edgar: Supportive mo nmn. Nga pla, pwdeng favor?

*Nicole: Para sa lovelife ng besty ko po. Hihi! 'Nu po yun??

*Edgar: Wag mo na akng e-"po", feeling ko tuloy ang tanda ko na. Tsaka isa pa, pdeng mahingi cellno mo? Incase may plano ako pra sa knya. Kung ok lng syo?!

*Nicole: Oh! Hehehe. Sorry! Nasanay na kase ako. Sige2. Okay lang, para ma-communicate din kita sa whereabouts ni besty ko.
+639263******

*Edgar: Salamat! Ite-text kita mya. Sge, tulog na'ko. Goodnyt! :)

*Nicole: Sigeey! Good Night!! Sweet dreams! :)

Haay! Ang sarap palang makatulong para sa ikaliligaya ng iyong kaibigan. Manhid kasi ni besty! Ayaw pa tanggapin ulit si Edgar, sayang talaga sila.

Ako kaya? Kelan kaya ako magkakaroon ng taong magmamahal sa'kin kahit na medyo may pagka-lokaloka ako?

Haaay! Di bale! Mag-aaral na muna akong mabuti. Para sa ikalalago ng ekonomiya!! Hanggang dyan nalang po at maraming salamat!

*Snooze!! You've got a text message. Snooze!!*

* 1 message received *

From: +639051******
Hi Nicole! It's me, Edgar. :)

---

AN: Hi guyses! *kaway-kaway* Hihi.

Don't forget to: Comment, Vote and Share.

Lovelots!

®MariaAzyle

Bridge (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon