Bridge 3

8 1 0
                                    

Chapter 3

"Niknik. Mukhang wala na talaga second chance para sa aming dalawa. Ginawa ko na lahat-lahat pero wala eh." Naiiyak na sabi nya.

Andito kami sa hideout namin.
Naiiyak at nasasaktan din ako sa mga nangyari sa kanya.

Ewan ko ba. Simula no'ng tulungan ko sya mas nakilala ko pa sya. Adunno kay besty kung ano ang problema.

At minsan naisip ko, ang sama-sama ko talaga. Kasi minsan, nasisiyahan na ako sa mga rejections ni besty sa kanya.

Hanggang sa di ko namalayan, nahulog na pala ako sa bingit ng pagmamahal, dahil sa pagiging kasabwat ni Eddie, feeling ko ang sama-sama ko kasi mahal ko na yung ex ng bestfriend ko.

Simula non, di na ako nagpaparamdam sa kanya, kahit anong text nya or tawag niya, di ko sinasagot. Masakit na kasi.

Minsan pala yung mga taong di mo inaasahan na mapapalapit sayo ay syang mamahalin mo. Ang hirap palang magtanga-tangahan, magpanggap na parang wala lang kahit na ang sakit-sakit na talaga.

Sana di nalang ako na inlove. Yan kasi tayo eh. Kung sino pa yung minamahal mo, sya naman yung may mahal pa.

Ayoko nang marinig lahat ng sinasabi nya, kung gaano sya nasaktan tuwing nirereject sya. Ayoko nang magkunwari na wala lang. Ayokong maging kaibigan nya lang. O tinuring kaya nya ako bilang isang kaibigan man lang? Give up na ako. I want to get my self back again. That "happy-go-lucky Nicole". I am lost. I am really lost because of this one-sided love.

* 1 message received *

From: Eddiewow
Ayoko na Nikky. Give up na talga ako. Feeling ko nga, nkamove-on na ako for the past months. Tina-try ko lng kung meron pba khit katiting, pro wla na talga. Tanggap ko nman na, na wla na talga kami. Di, di pla feeling, naka move-on na talaga ako.

* 1 message received *

From: Eddiewow
Nikky, actually nagkausap na kmi ni Alice knina, kya di kta nasundo. Alam mo yung feeling na "move-on na pla ako ng di ko namamalayan", oo, move on na'ko. At totoo nto.

* 235 messages received *
* 437 missed calls *

From: Eddiewow
Nikky? Pnagtatguan mo ba ako?

From: Eddiewow
Nikky? Galit kba? May nagwa ba akong kasalanan?

From: Eddiewow
Di ka daw pumasok sabi ni Alice. May sakit kba? Lagnat?

From: Eddiewow
Nicole, ba't ka tumakbo? Galit kba? Nicole naman oh! Di ko na alam gagawin ko!!

From: Eddiewow
Nicole! Miss na kita! Wla akong ibang maka-usap.

From: Eddiewow
Niknik koo! Paramdam ka na po plsssss! Mag iisang buwan kanang di nag paparamdam.

At marami pang ibang mensahing pinapadala nya araw-araw. Mag-iisang buwan na nga pala simula nung pinagtataguan ko sya. Ewan ko, minsan kahit masakit na, umaasa pa rin ako na baka isang araw, gumising din sya na mahal na nya ako, higit pa sa pagiging partners in crime.

Hindi ko na nga rin nagagamit cellphone ko sa katatawag at text nya.

Gusto ko na sanang sumuko sa pag-iiwas at magpapaka-matir nanaman. Pero pag na-iisip ko na masasaktan na naman ako. Sinusuway ko nalang sarili ko.

Pati nga si besty naba-bother na sa pagiging matamlay ko at parang nakakahalata na rin sya sa pag-iiwas ko sa ex niya kahit wala naman siyang alam na friends  kami ng ex niya.

Friends nga ba kami? Hoy sarili ko! Sumagot ka!! Huhu! Nakaka-bobo lang mga teh. Naboboang na akoo.

* 2 messages received *

From: Eddiewow
Nikky. Alam mo ba yung feeling na inlove ka uleet? Haha! Di no? Wla kpa ksing lovelife. Nbsb ka dba? Hintay ka lng, bka paparatng na yung prince charming mo.

From: Eddiewow
May sasabhin pla ako syo. Ipapakilala ko syo sa friday ng hapon yung taong mahal ko. After class, snce rinig ko na wlang class ksi may meeting mga guro. Reply ka nmn o. Kta tyo sa may playground sa lumang tulay, dun sa secret place natin. Punta ka ah. Hihintayin kita.

To: Eddiewow
Sige, kita tayo mamaya.

* 1 message received *

From: Eddiewow
Salamat nman! Ngreply ka rn. :)
I'll wait for you this friday, no matter what will happen.

Last na 'to. Last na talaga to, magpakalayo-layo na ako.

May pa 'I'll wait for you, no matter what will happen' pa'ng nalalaman.

Baka ito na rin closure namin. Ay, mali! Ako lang pala. Ako lang naman yung lihim na nagmamahal. Saklap ng life!

Ang sakit na kasi, umaasa kasi ako na ako yung mamahalin nya pag nakamove-on na sya kay Alice. Pero di parin pala. Saklap! Super Saklap!

---
AN: Hello! Don't forget to SHARE, COMMENT & VOTE po. :)

Advance Merry Christmas!!

®MariaAzyle

Bridge (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon