The End of the Bridge

4 0 0
                                    

Wakas

Lakad-takbo yung ginawa ko para makapunta lamang ng mabilis sa lumang tulay.

Ba't pa kasi ang liblib ng lugar na ito. Tsaka sana pala sumakay nalang ako ng tricycle para mas mabilis at no sweat and no haggard  pa ako. Di ko pa naman dala bag ko. Ampupu!

Feeling ko ang dungis ko na. Ikaw ba naman tumakbo at nilanghap-sarap lahat ng alikabok sa lansangan.

Feeling ko nga rin na ang dami na ng kulangot sa ilong ko. Parang di na ako makahinga. Joke lang mga people! Nabuboang na naman po ang ateeng ninyo dahil sa nilanghap na tambotso.

Haaays! Ang feeling-feeling ko talaga. Kaya maraming nasasaktan ng dahil sa feeling na yan!

Now I've decided that whatever might and will happen today, tatanggapin ko.

I think it's part of moving on. Acceptance. Wala din naman akong laban kung sino man yang bago nya.

Mahal niya eh. Hirap palang magmahal ng patago. You'll endure the pain all by yourself. No one cares because they don't even know it.

LUMANG TULAY.

"Haaays! Kapagod palang tumakbo ng ilang kilometro. Parang pag-ibig lang. Kahit na gaano mo pa kamahal ang isang tao, mapapagod ka pa rin kasi di rin naman nila pinapansin yung pagmamahal mo." Hahaha! #HugotNiNikNik. Tweet nyo yan. Credits!

"Huy! Sino kausap mo dyan?"

"Ha-a? Ah-eh."

"Ih-oh-uh."

"Gaga to. Haha! Nangugulat ka naman oh. Oh, ano na?" Kinabahan ako bigla. Parang, gusto ko na tumakbo pauwi sa bahay.

Nagbago isip ko. Parang di pa ako ready makita kung sino man yung alien na mahal niya. Ayokong maging masokista. Ayoko nun.

"Ano pala, Niks. Talikod ka." Sabi niya.

"Ha-a? O'sige. Ayan na. O-oy ano yan?"

"Kwentas, Niks. Diba obvious?" Opo, sinuotan niya ako ng necklace. Jusmee! Kinikilig ako, pero ayaw kong ipahalata. Halata ba? Hihi.

"Alam ko naman, po. At bakit mo naman ako bibigyan ng ganito? Tsaka, akala ko ba ipapakilala mo ako sa babaeng ma-mahal mo?" Okay fine. Naiiyak na ako. Sheez! Sumasakit na ang puso ko nito. Huhu! Kaya ayokong umibig eh. Sakit sa bagang.

Pero diba, sabi nila kakambal ng sakit ang pagmamahal. Hays. Ang gulo din pala ng sistema ng pag-ibig. Nagiging makata ang tao ng dahil sa pag-ibig. Masaya man o malungkot. Mayaman man o mahirap. Pare-parehas ding nasasaktan ng dahil sa pag-ibig.

Ang big word talaga ng "Love" na yan. Apat na letra. Iba-ibang paraan at uri. Iisa lang ang mungkahi.

"Do you know why I gave you a necklace? I know it is so cliché, but I searched the meaning of it and it states that "When a guy buys you a necklace, it means that he is committed to that certain someone." That's why I gave you one, because I am willing to be committed to you."

"But, I thought ipapakilala mo ako sa babaeng mahal mo?"

"It's a locket necklace, love. Open it, and you'll see the woman that I love the most."

Oh my! Holy Gracious! Ang pangit ko sa picture. Huhuhu!

"Oh, ba't ka umiiyak?"

"Eh kasi naman, sa dami-dami ng magaganda kong picture, ito pang wacky yung nilagay mo. Walangya! Huhuhu!"

"Hahaha! Ang kyoot mo kaya jan. Tignan mo oh, kahit naka-wacky ka, ang ganda mo pa rin." Okay, laglag alipunga. Puso pala. Wala na, hulog-hulog na ako. Ang cheesy!

"Uhoging bata, pwede bang manligaw sa iyo? Alam kong nagsimula tayo dun sa araw na nagpatulong ako sayo para sa bespren mo, pero habang tumatagal nag-iba na ang rason ko kung bakit ako nagtitext and chat sayo. Kung bakit gusto kong makigpagkita lage sayo. Minsan din masakit kasi ikaw pa nagpaplano kung paano ko babalikan yung bespren mo, eh ikaw naman tong gusto ng puso ko. Pinapasaya mo ang araw ko mula nong una tayong magkakilala dahil ang bibo mong bata, di ko namalayan, lumulundag narin pala puso ko. Na mahal na pala kita."

"Ang dami kong gustong sabihin, pero please let me court you. Liligawan ko rin mga magulang mo, at liligawan kita araw-araw hanggang sa marinig ko na yung matamis mong-OO."

"Uyy! Wag ka namang umiyak, Niknik ko. Please, gusto ko malaman ang sagot mo."

"Eeeeeh! Kenekeleeeg ako. Opo, pinapayagan na kitang ligawan ako. Pero, bawal pa holding hands ha? Ligaw muna." Minsan, kailangan din natin maging pabebe. Dahil isa ako sa mga pabebe girls. Haha!

OMG! Kumikirengkeng na ako. Juskofo! Ang bait ko ba talaga dati?

Ang sarap pala sa feeling na mahal ka rin ng taong mahal mo. Ayoko muna sabihin sa kanya na mahal ko rin siya. Para Dalagang Pilipina parin. Ganun.

Hays. Di narin pala masama ang maging tulay sa una, kasi ang destinasyon eh sayo pa rin pala. I wasn't expecting for this moment as I was expecting for a worse scenario. Pero sabi nga nila, expect the unexpected.

Bridge. Puente. Tulay.

"Bridge - where two people meet in the half-way trying to find common ground. And that common ground is love."

W A K A S.

Bridge (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon