Nabubuhay ako sa nakaraan. Ang aking katawan lamang ang nasa kasalukuyan. Ngunit ang puso't isipan ko'y nasa ating nakaraan. Nakaraan na ginusto kong takasan. Ginusto kong takasan dahil pagod na akong masaktan. Ginusto kong takasan ngunit wala akong maisip na paraan. Ninais kong lumisan ngunit hindi ko nagawa. Sapagkat ang sugat na dulot mo'y isa pang sariwa. Ninais kong tumakbo ngunit hindi ko nagawa. Dahil sa bawat pag takbo ko lagi akong nadadapa. Lagi akong nadadapa dahil pilit akong hinihila ng ating ala-ala. Sinasabi nya na dito ka lang dahil dito masaya ka. Dito ka lang dahil sa kasalukuyan hindi ka magiging masaya. Dito ka lang dahil dito kapiling mo pa sya. Dito ka lang dahil sa kasalukuyan may kapiling na syang iba. Kaya't napagod na akong subukang umalis sa ating ala-ala. Dahil alam kong hanggang dito lang ako masaya. Kaya heto ako ngayon at namumuhay sa nakaraan. Sa ating nakaraang ayoko sanang wakasan. Ayoko sanang wakasan ngunit ako'y iyong iniwan.