Hi :) Nagtype ulit ako dito kasi naaalala kita :) Alam mo ba, may napanood akong mga inspiring videos pero yung nakapagpasaya talaga sakin sa mga videos na yun ay yung wedding video ni carmina at zoren. Ang saya saya kasi. Makikita mo talaga na love nila isa't isa. Kumbaga sa ano, dream wedding ng lahat. Habang pinapanood ko yun, bigla na lang tumakbo sa isip ko na ganun din sana tayo sa future. Naaalala mo ba dati? We have this convo na pinaguusapan natin yung pangarap ko :) Tinanong mo kasi kung anong pangarap ko. Sabi ko magtatapos ako ng pag aaral. Magtatrabaho. Pag aaralin kapatid ko at papasayahin si mama. After nun pwede na akong magkapamilya. Tinanong mo ko kung pwede ka bang sumama sa mga pangarap ko. Syempre umoo ako. Kasi kasama naman talaga kita sa pangarap ko eh :) Ikaw yung pinapangarap kong lalaki na maghintay sakin sa altar. Ikaw yung pinapangarap kong lalaking magiging ama ng anak ko. Ikaw yung pinapangarap ko na makasama ko habang buhay. Ikaw lahat yun. Naaalala mo ba? Nung sinabi mo na gusto mo din na ako yung antayin mo sa altar. Na gusto mo din na maging ina ako ng mga anak mo or should I say natin haha. Naaalala mo ba na minsan, pinangarap mo din na ako yung kasama mong tumanda. Na ako yung unang makikita mo pagkagising mo sa umaga. Na ako yung magtitimpla ng kape mo. Gagawa ng breakfast mo. Mag aasikaso ng damit na susuotin mo pag papasok ka na sa trabaho. Magiging ina ng isang dosena nating anak ahahaha. Naaalala mo ba yun? Yung sabi ko gusto ko dalawang anak lang tas sabi mo gusto mong isang dosena hahaha. Haaay. Ang saya saya ko nun alam mo ba? Kasi nalaman ko na pati ikaw, naiimagine na yung future na ako yung kasama. Kasi ako palagi kong iniisip yun. Palagi kong hinihiling na sana sa tamang panahon, tayo talaga hanggang huli. Pero pangarap na lang siguro yung mga yun. Siguro yung iba pwede pang matupad. Like makapagtapos ako ng pag aaral at makatulong sa pamilya ko. Tutuparin ko yun. Pagiigihan ko para matupad. Pero siguro yung future na kasama ka, mananatiling isang pangarap na lang. Siguro nga pangarap na lang. Alam mo bang ayaw ko na makasal sa church? Kasi ikaw lang yung naiisip kong papakasalan ko sa simbahan eh. Siguro kung may magiging asawa man ako sa future, sa beach na lang kami ikasal or garden wedding. Pero hindi ko makita yung future ko na hindi ikaw ang kasama. Palaging ikaw. Walang pagbabago. Minsan iniisip ko at iniimagine na may boyfriend ako. Pero palagi kang nasa eksena. Kahit sa pag imagine ikae pa din iniisip ko. Nakakalungkot isipin. Nakakalungkot na tinotoo mo yung sinabi mo na kasama ka sa mga pangarap ko. Kasi ngayon, totoong pangarap kita. At alam ko sa sarili ko na hanggang pangarap na lang kita.