Good morning. Nanaginip ako. Nasa kasalan daw tayong dalawa sa bicol pero di tayo magkasama. Nagkataon lang na parehas tayong bisita. Tapos nakita kita na may kasamang babae. Ang sweet nyo tapos tawa kayo ng tawa. Di ko kilala yung babae eh. Pero sweet kayo. Tapos ayun nagising na ako. Kanina pagkatapos ko maglaba ni-stalk kita. Yung babae sa panaginip ko na kasama mo dun sa kasalan, nakita ko syang nagpost sa timeline mo. Tapos tinawag mo syang bb. Edi ako naman si tanga nistalk ko kasi nagtaka din ako kung bat ko sya napanaginipan haha. Tas nakita ko dun ang sweet ng mga comment mo sa picture nya. Hay. Girlfriend mo na ba sya? Pero diba nung nakaraang gabi magkachat tayo. So di mo pa sya girlfriend? Hay. Sana hindi pa. Mahal na mahal kita.