Good morning na diba? Hahahaha. Good morning babe ❤ Sabi ko magmomove on na ako eh hay ano ba yan. Pero 13 days na ang nakakalipas pero palagi pa din kitang iniisip. Naiisip mo din ba ako? Syempre hindi! Haha alam ko na yun. Nagsulat ulit ako dito kasi namimiss na kita. Gustong gusto na kitang ichat para itanong kung kamusta ka ba? Kung masaya ka ba? Mga ganun haha. Actually araw araw gusto ko ichat ka palagi. Wala lang. Gusto ko lang malaman ano ginagawa mo araw araw. Kahit alam kong di mo ako iniisip umaasa pa din ako na sumasagi ako sa isip mo kahit 5 seconds lang sa isang araw. Pero dahil di ko naman magawang ichat ka araw araw dahil alam kong makukulitan ka lang sakin at aawayin mo lang ako, eto nadadagdagan na naman entry ko dito sa drafts ko tungkol sayo. Ngayong araw PE namin kaso wala si maam eh. Pero naglaro pa din naman ako ng volleyball :) Ang sakit nga ng kamay ko eh :( Mahapdi pala aa kamay pumalo ng pumalo hahahaha. Nagreport din ako sa accounting babe. Tama naman yung sinabi ko kaya feel ko okay naman yung grade ko sa report na yun. Ayun lang naman mga nangyari sakin ngayong araw na to. Walang masyadong nakakaexcite. Ikaw? Anong nagyari sa araw mo? Sana alam ko pero di naman mangyayari yun haha. Ayaw mo naman kasi akong kausap hay. Sana naging masaya ka ngayong araw. Sana bukas maging safe at masaya ka. Good mornight na pala babe. 12:51 am na hahaha. Iloveyousomuch ❤ Imissyou ❤