Prologue II

14.3K 193 4
                                    

--------------📚------------

Tahimik ang buong libraria. Sa di kalayuan may mga taong nagtutulog at ang iba naman ay naguusap usap lang.

Binaling ko na lang ang tingin sa mga librong nakahanay sa harap ko. Inayos ang pagkakasuot nito tsaka masuring tinitingnan ang pamagat ng bawat libro. Kanina pa nagtapos ang klase sa umaga. Lunch break ngayon kaya dito ulit ako nakatambay sa library. Ang iniisip kong tahimik at payapa na pagbabasa ay unti unting nawawala.

Kung sa cafeteria lang sana sila tumambay at nagchikahan malamang kanina ko pa nahanap ang librong hinahanap ko't nagbabasa na ngayon.

Ok, alam ko namang wala silang kasalanan kasi choice naman nila yun. Sana lang hindi nila nilalakasan ang usapan nila't hindi ako naiintriga at nakikinig na sa usapan nila.

Likas na ang chismosa kaya wag kayong judge mental. Para san pa ang tenga ko kung di ko gagamitin?

'Balita ko kasi girl, gwapo daw yung anak ni Mr. Principal'

May anak si Principal? Akala ko ba single yun? Well, looks like mali na naman nasakop kong balita dati.

'Dito daw mag-aaral?'

Panigurado, lalaki anak ni Mr. Principal. Kilig ang mga loka eh~

'Oo eh~ Shocks! Excited na ako'

'Ako nga din eh~ Hihihi--hmmp.'

'Shhhh. Baka marinig tayo nung bruha't palabasin tayo'

'Hihi, sorry'

'Anyway, kailan daw siya papasok?'

Hmmm.

'Sa--'

Naputol ang pakikinig ko dun sa mga babae ng may humigit sa braso ko at dinala ako sa sulok.

"Ui, Rain. Gawa mo?" tanong niya tsaka tiningnan ang lugar nung babae kanina

"Ano ba Mara! Kita ng-- wala. Bakit ka nandito?"

Istorbo eh~ Tsk. Mukhang big news ang balita kanina.

"Yayain sana kitang magmall" napatingin naman ako sakanya.

Yun lang? Lunch break pa at buong maghapon pa kaming magsasama pero ngayon niya pa talaga ako naisipang yayain.

Ngumiti siya sakin tsaka tiningnan ang relo niya. Malapit na siguro magsimula ang afternoon class. Might as well go on.

"Sige't may bibilhin ako sa national bookstore" pag-sang ayon ko sa yaya niya.

"Eh--?" tiningnan ko siya ng masama tsaka tinaasan ng kilay "Kaya nga sabi ko nga"

Campus Make Out SessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon