Chapter Sixteen

2.3K 49 0
                                        

( The past )

Third Person's POV

Two Years Ago..

   Tahimik na pumasok sa mansion si Jasper habang hawak-hawak ang braso niyang may pasa.

Nakipagsuntukan na naman siya sa mga kaklase niya. Kung hindi niya man kaklase, maaring taga ibang eskwelahan o kaya'y mga tambay na natalo niya sa bilyard.

Sa una ay aakalain mong mabait at matalinong bata dahil sa suot niyang uniforme at ang malaki niyang bag. Palagi pang nakacomplete na uniform at maayos ang buhok.

Napatawa na lang siya sa kanyang kalagayan habang mag-isang nililinis ang sugat sa braso at ginagamot ang mga pasa.

  Week After ..

    "Hoy busit! Asan na ang taya niyo? Akin na! Ako nanalo, diba?" sigaw ni Jasper.

Nandito siya ngayon sa bilyaran para kunin ang 'premyo' niya.

Natahimik ang lahat at tila ba walang narinig. Samot-saring emosyon ang nararamdaman nila ngayon. Pati ang leader ay nakabasungot na at kahit anong oras man ay handa na siyang sugodin si Jasper, pero naisip niya:

'Wala naman akong perang pangbayad. Hindi ko rin naman gustong ibigay si Claire. Pano na yan?'

"Tangina! Mga binge ba kayo!" sigaw ulit na Jasper habang bwesit na bwesit nang nakatingin sa mga kalakihan na nasa harap at nakatungo.

Campus Make Out SessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon