Chapter 4: Contract

30 6 0
                                    


Urgh! It's been 3 days since dinala nya ko sa Tagaytay at na stranded kami don. I know na unti unti na kong nahuhulog sa kanya pero as much as possible dapat pigilan ko yun. Ayokong magka one sided love.

Papunta ako ngayon sa condo unit nya dahil may pag uusapan raw kaming importante. Ewan ko ba sa kanya may cellphone naman. Bakit di na lang sya tumawag. Tattered jeans at crop top lang yung suot ko at high heels. Nagboblower ako ngayon sa buhok ko. Ayoko kasing basa ang buhok ko pag aalis ako. Pababa na ako ngayon at dala dala ang CLN bag ko.

Nandito na ako sa loob ng kotse namin at sinabi ko na rin kay Manong Nestor kung saan ako pupunta ngayon. Umandar na ang sinasakyan ko tanda na aalis na kami. Bumukas ang gate namin at tuloy tuloy na ang takbo ng sasakyan. Kinuha ko na lang yung cellphone ko at nakinig ng musika.

Ito lang kasi ang stress reliever ko bukod sa pagkain. Hmm. Iniisip ko pa rin kung anong importanteng sasabihin ni Kaizzer sakin. Hindi nga ako nakatulog ng maayos eh kakaisip non.

Ma'am nandito na po tayo. Sabi ni mang Nestor sa akin. Nagpaalam na ako sa kanya at sinabihan syang wag na lang nya akong susunduin at magcocommute na lang ako pag uwi.
Nandito na ako sa tapat ng Condo kung saan sya nakatira at tinanong ko na sa teller kung anong room  number niya at binigay naman yun sakin ng teller. Papunta na ako mgayon sa elevator. Mabuti na lang at walang tao na nakasakay. 16th floor at room 143 yung condo unit nya.

Ting!

Hudyat na nandito na ako sa 16th floor. Paglabas ko sa elevator ay nakitang lumabas ang isang babae sa room 143 kung saan nakatira si Kaizzer. Maganda ang hubog ng katawan ng babae, maputi at mukhang mayaman. Para akong pinagtaksilan sa nakita ko kahit na wala naman akong karapatan. Nanghina bahagya ang tuhod ko ng maghalaikan silang dalawa. Di na nakayanan ng luha ko at lumabas na talaga sila. Nagtago ako para di nila ako mapansin.

Umalis na yung babae at papunta na ako sa room nya. Kahit masakit ang dibdib ko ay pinilit kong maging maayos pagharap ko sa kanya. Kumatok ako ng tatlong beses at binuksan naman nya yun ng malaki para makapasok ako.

Pagpasok ko sa loob ay parang may mga scenario na pumapasok sa ulo ko. Pinilig ko na lang ang ulo ko at hinarap sya para malaman ko na kung ano ang importanteng sasabihin nya.

May inabot sya sakin na folder na kulay brown. Kahit nalilito ako ay tinanggap ko pa rin yun. Binasa ko ang laman nun at bahagya pang kumunot ang noo ko. Binigyan ko sya ng whats-this-look.

Contrata yan para sayo. Yan ang mga guidelines para di ka manghimasok sa buhay ko ngayon o kung kasal man tayo.

Bakit may ganito pa? Naguguluhan kong tanong sa kanya. Tiningnan nya ako ng mataimtim at naconscious bigla ako sa mukha ko. Tagos hanggang kaluluwa kasi kung tumitig sya eh.

Ginawa ko yan para tanda na wag kang maki alam sa kong ano man ang gagawin ko sa buhay ko. Alam mo naman sigurong fixed marriage lang to.

Alam ko naman yun. Pagka ba kasal na tayo? Di ako allowed na ipakita sayo na ang dapat gawin ng isang asawa?

Gawin mo kung anong gusto mo basta wag mo lang akong uutusan o kung sasabihan sa dapat at di dapat gawin. Nagkakaintindihan ba tayo?

O-oo .

Pirmahan mo na yan para may patunay ako pag lumabag ka sa gusto ko.

Kahit na labag man sa aking loob ay pinirmahan ko pa rin ang kontrata na binigay nya. Masokista na kung masokista. Pero wala akong magagawa eh mahal ko sya.

Binigay ko na yung kontrata sa kanya at akmang aalis na ako ng may sinabi syang ikinadurog lalo ng puso ko.

Wag kang mahuhulog sakin dahil hinding hindi kita sasaluin. At hindi ang tipo mong babae ang gusto kong makasama.

Pagkatapos nya yun masabi ay lumabas na ako sa condo nya ng luhaan. Kahit anong pilit kong pigilan ay lumabas talaga ang traydor kong mga luha.

Tatanggapin ko kahit ano mang sasabihin nya kung yun lang ang paraan para makasama ko sya ng matagal.

At tuloy tuloy na umaagos ang aking mga luha.

Married To A Playboy (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon