Chapter 5: Engagement Party Part 1

31 5 0
                                    

It's been one week since pinapirma nya ako ng Contract para saming dalawa. Ngayon ay naghahanda ako kasi engagement party namin ngayon. Masayang masaya ako ngayon kasi nalalapit na ang kasal namin. Mas sasaya ako kung yung lalaking papakasalan ko ay mahal ako. Kaya lang hindi eh. Ako lang yung nagmamahal sa kanya. Akala ko okay na kami nong na stranded kami sa hotel sa tagaytay kasi hindi naman nya ako sinusungitan oh dinidedma. Pero ngayon, parang wala na lang ako sa kanya. Sa bagay wala naman talaga syang gusto sakin. One sided love lang yung namamagitan samin.

Suot ko ngayon ang gown na binili ni mama sakin. Yung mama ni Kaizzer ang tinutukoy ko. Isang modern trousseau fall wedding ball gown dress halter neck lace. Binili ito ni mama sa Pakistan last week kasi nag tour around the globe sila ni papa. Di ko nga sana tinanggap yung bigay ni mama eh kaso nagtampo kaya ayon tinanggap ko na. Botong boto ang pamilya nya sakin at sya lang ang hindi. Naglagay na rin ako ng light make up at binun ko lang yung buhok ko para di makalat. Nagsuot na rin ako ng white high heels at ready to go na.

Sa Hotel nila Kaizzer gaganapin ang engagement party namin. At exactly 7:00 pm ay magstart na. Susunduin na lang ako ngayon ng driver nina Kaizzer para hindi hassle.

Habang pababa ako sa hagdan namin ay nakita kong prenteng naka upo si daddy sa couch namin. Ang pogi talaga ng daddy ko.

Oh anak, nandyan ka na pala. Ang ganda mo talaga anak. Mana ka sa mommy mo. Nakita kong lumungkot ang expresyon ni daddy nong binanggit nya ang pangalan ni mommy pero ngumiti na rin sya ng bahagya para maitago ang sakit na nararamdaman nya.

Namimiss ko na rin si mommy eh kaya lang dapat ay maging matatag ako kahit wala na sya.

Sus! Nambola ka pa talaga dad.

Haha! Hindi kaya anak. Totoo kaya yun. At hinalikan ako ni daddy sa noo. Ang saya ko lang talaga na sya ang naging daddy ko. Hinarap nya ako at ngumiti.

Sana maging masaya ka ngayong gabi anak. Binigyan ko lang si daddy ng isang ngiti. Pinauna na nya ako sa hotel at may pipirmahan pa syang mga papeles. Tumango naman ako sa kanya at niyakap sya.

----------------------------------------------------------

                  *KaiZon  Bar*

As usual nasa loob na naman ng VIP lounge sina Kaizer, Luke at Brad. Umiinom ng mga alak habang may kaakbay na mga babaeng kulang na lang ang maghubad sa suot na kakarampot na tela.

Kaiz, Wala ka bang balak na pumunta ngayon sa hotel nyo? Tanong ni Brad sa kanya habang umiinom ng tequilla.

Napa buntong hininga si Kaizzer sa tinuran ng kaibigan. Kung sya lang ang masusunod ay di talaga sya pupunta doon. Pero kailangan nyang dumalo para na rin di na sya kulitin ng mga magulang nya na mag asawa. Kahit labag sa loob nya ay kailangan nya yung gawin.

Uminom muna sya ng alak bago sinagot ang kaibigan.

Pupunta ako dont worry. Sagot nya sa kaibigan. May nakakandong sa kanyang babae at naghalikan sila.

Ganyan ang sistema ng buhay ni Kaizzer. Araw araw ay iba ang kasamang babae. Marami na rin syang naikama pero wala pa namang lumapit sa kanya para sabihin na nakabuntis sya.

Magseryoso ka na kaya Kaiz. Swerte mo dun sa fiancé mo. Sabi ni Brad.

Bahagyang natawa si Kaizzer sa sinabi ng kaibigan.

Magseryoso? Nagpapatawa ka ba? Women should not be treated seriously. They should be played. Once a Casanova always a casanova alam mo yan Brad.

Napailing na lang ang lalaki sa sinagot ng kaibigan.

Nagmahal na rin kasi si Kaizzer noon. Sobra sobra yung ginawa nya para mapasagot lang ang babae. Kung effort lang naman ang pag uusapan ay 100% pasado na si Kaizzer. Noong sila na nung nililigawan nya ay nalaman nyang ginawa lang syang past time nung babae. Sobrang nasaktan si Kaizzer ng mga panahong yun at pinangako nya sa sarili na hinding hindi na sya magseseryoso ng babae.

Di lahat ng babae pareho ng ugali Kaiz. Bahala ka. Nasa huli ang pagsisisi Kaiz.

Isinawalang bahala na lang nya ang tinuran ng kaibigan. Nagpaalam na sya na pupuntang hotel para sa engagement party. Hinalikan nya muna yung babae bago umalis.

Kung sya ang masusunod ay di na kailangan ng engagement party. Nakakaabala lang daw kasi ito sa kanya. Bat daw naman nya pagtutuunan ng pansin ang isang babae. Sumakay na sya sa kotse nya at pinaharurot papuntang hotel nila. Mabuti na lang at hindi traffic kay nakaabot pa sya. Bumaba na sya at pumunta na sa Function Hall sa 10th floor.

----------------------------------------------------------
* Function Hall of Razon's Empire Hotel*

Maraming mga bisita ang dumalo sa engagement party nina Kaizzer at Dionne. Mga kilalang business tycoon ay dumalo rin. Pinaunlakan nila ang imbitasyon ng mag asawa. Mga eleganteng damit ang makikita mo kahit saan sa loob. Mamahaling alahas at bags. Di naman talaga mawawala yan lalo nat mga mayayaman ang mga kaibigan mo. Nagpapaligsahan ng mga kayamanan ang mga nandoon.

Kinuha naman ng Emcee ang atensyon ng lahat hudyat na magsisimula na ang party.

Good evening ladies and gentleman. Narito po tayo ngayon para sa engagement party ng ikalawang anak nina Mr. at Mrs. Razon. Nagpalakpakan naman ang mga dumalo at tumayo na sa harap si Mrs. Razon para magsalita.

Unang una sa lahat ay nagpapasalamat ako sa mga dumalo ngayon sa engagement party ng anak ko. Masayang masaya talaga ako dahil  sa wakas ay ikakasal na ang unico hijo ko. Sana mag enjoy kayo ngayong gabi. Maraming salamat.

Nagpalakpakan na rin uli ang mga tao at bumaba na si Mrs. Razon sa stage hudyat na ipapakilala na sa lahat ang magiging asawa ng anak nya.

Di na natin patatagalin pa at ipinakikilala ko sa inyo ang maswerteng mapapangasawa ni Mr. Kaizzer. Please welcome Ms. Empress Dionne Fortress.

Nagpakawala ng isang masigabong palakpakan ang mga guest sa paglabas ni Dionne. Kilala ng karamihan si Dionne dahil na rin sa isang businessman rin ang daddy nya. Di maiwasang di kabahan ni Dionne ngayon pero binigyan nya ng isang matamis na ngiti ang mga taong nandoon.

Mas sumaya pa sya ng natanaw ang lalaking mahal nya sa di kalayuan. Sandali lang ang kasiyahan nyang yun ng nakita nyang hinalikan ng isang babae ang fiancé nya. Tumugon naman ang lalaki habang di pinuputol ang pagtitig sa kanya. Sumakit ng husto ang dibdib nya sa nasaksihan nya at sya na rin ang umiwas ng tingin.

Binaling na lang nya ang atensyon sa mga bisita at di pinapahalata ang pagkawasak ng dibdib nya.

Married To A Playboy (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon