Chapter 8: Preparation for the wedding Pt. 2

27 4 3
                                    

Dionne's POV

Iniwan na talaga nya ako dito sa tapat ng kalsada. Tsk! How rude of him. Pero wala naman akong magagawa dahil di ko hawak yung puso nya at isipan. Naglakad na lang ako patungo sa terminal ng taxi para sumakay. Kailangan maaga ako dun dahil ako lang naman mag isa ang gagawa ng wedding preparations namin kuno. Bahala sya sa buhay nya kung ayaw nya sumama sakin. Eh di dun sya sa mga babae nya. Pakialam ko sa kanya. Argh! Kainis.

Pumara na ako ng taxi at nagpahatid sa isang boutique. Pipili pa kasi ako ng design ng gown na susuotin ko. Pati mga pagkain at motif ng wedding. Eh kung ako lang naman ang gagawa ng lahat, eh di ako na lang sana ang magpapakasal sa sarili ko. Tsk. Akala ko mabait sya pero hindi pala. Lumalabas ang tunay na kulay nya. Argh!. Di ko namalayam na umiiyak na pala ako. Hinayaan ko na lang umagos ang msaganang luha sa mata ko. Wala akong paki alam kung nakita ako ni manong driver. Wala naman syang maitutulong at wala syang alam sa pinagdaanan ko.

Maya maya lang ay pinunasan ko na ang mukha ko at tiningnan ang mukha ko sa salamin. Dapat presentable ako tingnan dun mamaya. Ayokong isipin ng designer na inindyan ako ng groom to be ko. Nag retouch na rin ako at maya maya lang ay nandito na ako sa boutique. Nagbayad na ako kay manong driver at lumabas na ako sa taxi.

'Anastazia's Cotourella' yan ang pangalan ng boutique. Di na ako nagpatumpik tumpik pa at pumasok na ako. Nabighani naman agad ako sa mga wedding gowns na naka display sa shop nya. Malaki ang boutique nya. Mga 10k sq. mt. yata sa tansya ko. Sinalubong naman agad ako ni Anastazia at pinaupo.

O? Bakit ikaw lang ang nandito? Takang tanong nya sakin. Nag aalangan pa akong sumagot pero kalaunan ay sinagot ko na lang sya.

May emergency kasing pinuntahan kaya ako na lang ang nagpunta dito. Masyado din kasi syang busy sa wedding preparations namin. Sabi ko habang nakangiti. Tumango naman sya bilang sagot nya. Alangan namang sabihin ko sa kanya na inindyan ako ng groom ko dahil pumunta sa babae nya.

Mas madali kasing paniwalaan ang kasinungalingan keysa sa katotohanan.

Binigay naman ni Anastazia ang mga designs na nagawa nya at tiningnan kong maigi ito. May sleeveless, may tube at kung ano pa. Iniscan ko pa at may isang design ang nakakuha ng atensyon ko. Simple lang ang design pero elegante tingnan. Off shoulder sya na may mga diamonds sa may bandang taas tapos ang haba. Type na type ko ang design. Sinabi ko kay Anastazia na ito yung napili ko at napangiti naman sya. By the other day ay maidedeliver na raw nya ang damit.

Pagkatapos kong mamili ng gown ay yung sandals naman ang inatupag ko. Naghanap ako ng magagandang disenyo at luckily nakahanap naman ako. Isa syang stiletto at may lace sa magkabilang gilid. 5 inches long at perfect na perfect sa paa ko. Napangiti naman ako ng naisip ko na ang wedding day namin pero napasimangot at the same time. Isang beses nga lang akong makasal pero parang hindi memorable at binabalewala lang ng groom ko. Naisip ko pa naman noon kung ano ang dapat na design sa kasal ko. Imbes na maging masaya ako ay magiging miserable lang ako.

Bakit ba kasi nauso pa ang fixed marriage na yan eh! Kung sana ay mahal lanh ako ng Groom ko ay wala sanang problema. Masaya sana kaming namimili ng mga designs sa kasal namin. Iwinaksi ko na lang ang thoughts na yun at nagpaalam na kay Anastazia dahil pupunta pa ako sa isang café para sa cake namin. Pumara ulit ako ng taxi at nagpahatid sa 'Cakezzie Café'. Isang sikat na café sa buong mundo. Tiningnan ko ang cellphone ko kung nagtext ba si Khaizzer. Pero nadisappoint lang ako dahil wala. Kahit na tuldok o blank message man lang ay wala talaga. Hindi na dapat ako umasa sa isang tao na walang pagpapahalaga sakin. Kailangan ay good vibes lang dapat ako. Ayoko ng isipin pa si Khaizzer ngayon.

Huminto na si Manong Driver at nagbayad na ako. Bumungad na sa akin ang Cakezzie Café. Grabe ang laki at ang ganda ng place na ito. Pagpasok ko ay binati agad ako ng mga crew nila at dinala sa private place dito. May appointment na kasi kami dito kaya ganon. Naghain ang mga chef nila ng ibat ibang cake. Bale mga 30 kinds of flavor ang nandito. Ang dami nga eh. Siguradong mabubusog ako nito sa kakatikim. Inuna ko yung Milk flavor pero may chocolate na halo at dark chocolates sa taas. Gosh ang sarap. Parang gusto ko pa nga eh. Sunod naman yung blueberry cheesecake. Grabe heaven na talaga ito. Chocolate mousse naman at parang ayaw ko ng tigilan ang pagtikim. Ang sasarap kasi ng mga cakes nila.

10 flavors of cake ang kinuha ko at tig fa-five layers ang bawat isa. Nagpaalam naman ako sa mga chef at sa may ari ng café. Pagkatapos ay lumabas na ako at nagpahatid sa bahay nina Khaizzer. Pinapapunta kasi ako ng mommy ni Khaizzer eh.

**************

Finally ay nandito na ako sa bahay nila. Dito kaya kami titira ni Khaizzer pag nakasal na kami? O sa ibang bahay? Tsk. Eto na naman ako sa mga iniisip ko. Nag doorbell na ako at bumungad sa akin anh mommy ni Khaizzer.

Hi hija. Bati ng mommy ni Khaizzer at bineso beso ako. Kitang kita ko na botong boto ang pamilya nya sakin. Kung sana lang ay ganyan din si Khaizzer sakin.

Giniya ako ng mommy nya sa loob ng bahay nila. Iniwan muna ako ng mommy nya sa isang garden at makikita ko pa naman ang labas. Napukaw ang atensyon ko dahil sa isang kotseng huminto. Sinilip ko ito at natuwa bigla ang puso ko dahil lumabas si Khaizzer galing sa kotse. At nalungkot at the same time dahil may lumabas na babae galing doon. Malayo layo sila dito pero kitang kita ko naman kung anong ginagawa nila. And it breaks my heart into pisces.

They're kissing torridly. They don't care about their surroundings. At tumakas ang isang luha galing sa mata ko.



Married To A Playboy (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon