Chapter 6: Engagement Party Pt. 2

18 2 0
                                    


Chapter 6: Engagement Party Pt. 2

Dionne's POV

Masakit pala talaga na makita mo ang taong mahal mo na masaya sa piling ng iba.

Gaya na lang sakin na naghihintay na mahalin din ako ng taong mahal ko.

Pagkatapos kong makita yung 'scene' na yun ay pumunta ako sa washroom. I want to freshen my mind.

Gusto kong saktan yung babaeng yun pero di pwede. Di ko kaya. Hanggang sa isip ko lang sya kayang saktan. May karapatan naman ako diba? Pero di ko talaga kaya.

Naghugas lang ako ng kamay at tiningnan ang kabuuan ko. Maganda naman ako. I have the curves that every man would dream. I'm smart. Pero bakit di nya ako kayang mahalin?

Aalis na sana ako ng may pumasok sa washroom. Tiningnan ko kung sino yun at nabigla pa ako kung sino.

Sya lang naman yung babaeng 'kahalikan' ng FIANCÉ ko. Gusto ko syang sabunutan dito sa loob pero wag na lang. Magsumbong pa to kay Khaizzer.

"Well, well, well! Look who's here?"

Sabi nya sabay taas ng kilay at naka smirk. She's eyeing me from head to toe. I admit she's beautiful. No wonder, nagustuhan sya ng fiancé ko. She's like a goddess BUT a bitch one.

Tinapunan ko lang sya ng tingin at akmang aalis na ako ng nagsalita ulit sya.

"Ewan ko ba kay Khaizzer kung bakit ka nya pinatulan. You're not even beautiful. You're just a pathetic bitch"

"Why? Talking to yourself ey?" Sagot ko na ikinausok ng ilong nya. Ewan ko ba san ko nakuha yung confidence na to. Siguro, ganito lang talaga kung may umusbong na galit sa dibdib ng isang tao.

*pak* Sinugod nya ako at sinampal. Di ko inasahan yun kaya napabaling ang mukha ko sa kaliwa.

"Remember this bitch, I'm Cassandra Fortalejo an heiress of Fortalejo clothing line. Kahit makasal pa kayong dalawa ay hindi ka naman nya mahal. Poor pathetic bitch. Pinakasalan ka nga di ka naman nun uuwian"

Sabay flip ng hair nya at umalis sa washroom. Naiwan akong tulala sa mga sinabi nya sakin. I know, walang kasiguraduhan kung sa akin ba talaga sya uuwi pero ang malaman ko sa ibang tao na ganun. Sobrang kirot pala sa dibdib.

Pinunasan ko na ang luha ko at umalis sa washroom. Napabuntong hininga pa ako bago lumabas. Di ko alam kung ano na naman ang makikita ko paglabas ko.



Pero sa huli ay lumabas na rin ako. Panay ngiti lang ako sa mga bisita. Nangangalay na nga ang panga ko eh. Hinanap ng paningin ko si Dad at ayun may kausap. Nakita nya ako at sinenyasan na lumapit raw ako.

Maraming bumabati sakin at may nagsasabing ang swerte ko raw at ang gwapo ng magiging asawa ko at ang bait pa daw.

Kung alam lang talaga nila ang tunay na ugali ng fiancé ko.

Humalik ako kay Dad ng makalapit ako at nakipag beso beao naman ako sa kausap nya. Si Mrs. Dela Cruz pala to. Kasosyo rin ni Dad sa negosyo. Kinongratulate rin nya ako.

"Asan na ba ang fiancé mo baby?" Tanong ni Dad sakin habang umiinom ng wine sa kopita nya.

"Dad! Baby ka dyan. Ikakasal na nga ko eh, baby pa din" Saway ko kay Dad pero nakangiti parin ako. Ayokong ipakita sa kanya na I'm very fragile inside. Kaya kahit mahirap ay pinilit kong maging masaya sa harap nya.


"Hehe, it's okay anak. Ikaw pa rin naman ang baby ko eh" Sabay hug nya sakin. My dad is the sweetest father of all.

"Oh! Parating na pala dito ang fiancé mo anak eh"

Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Dad. Para akong teen ager nito na kinikilig habang nakikitang paparating ang crush nya. Namamawis na rin ang kamay ko. Air conditioned naman. Ewan ko ba sa sarili ko.


Bigla pa akong naestatwa ng bahagya nyang hawakan ang waist ko. My knees shaken sa ginagawa nya sakin ngayon. Ang sarap pala sa pakiramdam ang ganito.

Napakislot pa ako ng halikn nya ang pisngi ko. Parang hindi na nga ako halos humihinga dito eh. Parang ano mang oras ay magcocollapse ako dito sa sobrang  saya.


Napansin siguro nya ang pagka uneasy ko kaya tumikhim sya.

Nakipagkamay rin sya kay daddy at nag manly hug sila. Kung titingnan ay parang perfect talaga kami sa isat isa.

"Bagay talaga kayo ng anak ko Khaiz. No wonder, pumayag kang magpakasal sa kanya." Ngumingiti si dad habang kinakausap si Khaizzer.

Ang sarap sagutin ni dad na "if you only know, what kind of person he is dad" pero pinili kong itikom na lang ang bibig ko.

Ngumiti lang si Khaizzer kay dad na para bang sang ayon din sya.

"Take care of my daughter Khaizzer, she's all I have"

"Yes sir, I will" wow? Talaga lang ha? Kaya mo kayng gawin yun?

"Oh sya sige maiwan ko na kayo para makapagsolo naman kayo"

At binigyan pa ni daddy si Khaizzer ng wink. Ayoko sanang bigyan ng false hope si dad pero kailangan. For the sake of our company.

Pag alis ni daddy ay umalis rin ang pagkakahawak ng kamay nya sa bewang ko. Akala ko di nya gagawin pero ayan, tinanggal nya.

Tiningnan ko sya kung bakit nya ginawa yun ng maalala ko na one sided love lang pala ito.

"Wag kang magdiwang dyan dahil nagpaka sweet ako sayo. It's part of my acting para di sila makahalata na wala naman talaga akong nararamdaman sayo"


Pagkatapos nyang sabihin yun ay umalis na sya sa tabi ko at hanging me dumbfounded.

Married To A Playboy (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon