Hi mga fans! Andito na ang b0szxcs niYo nA n4gmamAhal nG tap4t senYo. Kayo lang sapat na. My god. Lakas ko makajejemon. Haha!
Napanaginipan ko na naman na prinsesa ako. Well, prinsesa naman talaga ko, ng pamilya ko yes. Oo mga bes, pero hindi literal na prinsesa ng isang bansa? Nako hindi ah. Hindi mangyayari yon. Ang weird lang ha? 21st century na pero dito sa bansa namin na Etherland ay umiiral pa rin ang Monarchy. Like seriously? Wala akong pake sa inyo. Sa buhay ko lang ako may pake.
Kilala niyo ba kung sino ko? Yun nga. Ang reyna ng mga jejemon. De biro lang. Anti ako ng mga jejemon. Hahahaha
Ako si Heaven Smythe Edwards. Tunog prinsesa pangalan hano? True ba? Oo. Tunog lang pero hangang tunog na lang daw. Hahaha. 18 years old na ko. Ako lang iisang babae saming magkakapatid tapos ako pa bunso. Si kuya Joao 21 na yon. Tapos si Kuya Heabrent 25 na yon. Mga gurang na yon. Hahaha. Si Mama Maiko at si Papa Jaxvien ay mas gurang naman ang mga iyon. Haha.
Mahirap lang kami. Biro lang yung mayaman kami. Commoner lang ng bansang Etherland pero sa sikat na school naman ako nag aaral. You know, social climber ako. Wala kasi akong magawa sa buhay. Alam niyo ba? Famous ako sa school. Naka auto likes din ako sa facebook. Hihi. Secret lang natin yon hano? Magaling ako magpaint. Talent ko yon e. Pati sa pagkanta, rnb genre ko. Tapos magaling pa maggitara. Diba? Ang astig ng idol niyo. Multi-tasking palagi. Alam niyo din ba na ako ang pinakamaganda- este pinakamakapal ang mukha sa buong Etherland? Pero siyempre joke lang yon. Alam kong maganda ko pero shy type ang idol niyo. Eneber.
Nasa school ako ngayon at nagpe'paint. Nakabun ang buhok kong mahaba gamit ang lapis. Yung pini'paint ko yung mukha ng isang prinsipeng naghihinagpis. Hanep sa words hano? Haha. So yun nga. Ang sabi kasi ng teacher namin e prinsipe daw ipaint namin. Langya na yon. Kras na kras niya si Xavi-- este Prinsipe Xavier. Bugbugin ko yon e. Pangit lang naman. Malaki pa mata. Dudukutin ko yun e. Oo mga bes, brutal ang idol niyo.
"Uy yung prinsipe! Nakatingin siya dito sa gawi natin." Anya ni Claire. Ang malarit kong kaibigan na akala mo bibitayin sa kilig pag nakikita yang Xavier na yan.
"My god. Magpapaganda ko." Isa pa 'tong si Mildred na akala mo papatayin sa sobrang kilig. Buti na lang si Ashley di kinikilig doon sa prinsipe na yon.
Nagpatuloy lang ako sa pagpipinta at di sila pinansing mga epal sila. Wala akong pakialam sa mundo pag nagpipinta ko. Sobrang saya ko pag ginagawa ko ito.
Beep*
May nagtext! Sana si Javier Jose Tagulamin. Joke lang. Hahaha. Javier Jose Barber. Ang crush ko na magaling din magpinta. Sa art department din siya. Kaklase ko hihi. Gwapo lang siya. Sakto lang parang ganon? Basta yun mga bes, may crush ang idol niyo.
Binuksan ko yung text at. . .
Nak, uwi na u mAy biSitA us.
Si mama pala. So alam niyo na saan ako nagmana nang kajejemon'an ko? Hahaha. Dali dali ko inayos gamit ko at nagpaalam sa mga bestfriends ko.
"Mga bes? Sibat na ko. May ulol daw sa bahay namin. Sige bye!" Sabi ko sabay takbo.
Pagkauwi ko ng bahay nakita ko si papa na duguan at walang malay si mama na nakahiga sa sofa na may 30 saksak ang mga kapatid ko na bumubula ang mga bibig. Char. Chos lang yon. Haha. 30 saksak hano? Nalaman kaagad? Pake mo, e automatic na nag o-o-autopsy yung mata ko ye. Pero joke nga lang yon, may bisita nga kami. Aba'y gwapo infairness ha?
"Ma sino yan? Ipapakasal niyo sakin? Tara gora! Ngayon na ba? Pwede na 'tong suot ko dali na!" Sabi ko kay mama. Nasapo na lang ni mama yung noo niya sabay ngumiti sa lalaking mga nasa 20's siguro. Malay ko ba. Alangan hulaan ko. Nakakatamad kaya wag na lang.