KABANATA 4

10 0 0
                                    

Nakatingin lang sakin si mama na parang gulat na gulat at si papa naman ay biglang napahawak sa ulo niya.

"Anak, ganito kasi yan.."

Tinaas ko yung isa kong kamay sabay sabing, "No pa, so totoo nga?" nagkunwari pa akong umiiyak para the best ang acting skills ko. You know naman diba? Ako ang pinakadyosa sa balat ng lupa.

"Totoong prinsesa ka. Iyon ang dahilan kung bakit may pumunta dito noong nakaraan. Hindi ba sinabi niya na pinapatawag ka sa Kassazea? Totoo iyon anak. Prinsesa ka, hari at reyna ang mga magulang mo." sabi ni papa sa akin.

Napatulala lang ako mga bes, kasi you know naman. I was dreaming for this diba? Na maging prinsesa ako pero bakit noong totoo pala, parang ang hirap tanggapin? Ang drama na ng idol niyo. Iiyak na ata ako e.

"Nakausap ko na ang queen Angeli, bukas na bukas doon ka na titira sa Jongheum anak." sabi ni mama with tears. Syempre naman, sino ba naman hindi makakamiss ng kagandahan ko? Hays.

Nag impake na ako ng mga gamit ko. Tinulungan ako ni mama at oo mga bes, iyak siya ng iyak. Mawawala na daw ang kanyang dyosang baby sa bahay niya. Like duh? She's right hehe.

Napaisip naman ako bigla. Ako? Tapos iyong prinsipe sa iisang bahay? Totoo ba ito? Wait what? Paano pag nalaman 'to ng mga kaibigan ko? Ano na lang sasabihin nila sa akin? O my God. Mga fren, help me what to do?

Nagtweet ako sa twitter ko.

What to do mga fren? #kabado

Dami agad hearts at retweeted. Well, famous nga ako diba? So ayon na nga, parang nakakaexcite maging prinsesa. Di ko alam magiging reaksyon ko, pero sobrang saya ko ngayon. Makikilala na ko sa buong bansa tapos mabibili ko na lahat ng gusto ko. Hindi na rin ako mabubwisit ng mga teachers ko. Wahahahahaha nasa akin na talaga ang korona.

Lumabas muna ako ng bahay para magpahangin. Gabi na rin kasi pero di pa rin ako makatulog. Saan naman kaya ako pupunta? Sa 7/11 na lang siguro hehe.

Naglalakad lang ako habang kumakanta kasi dala ko yung phone ko at earphone syempre.

"Pag ibig na kaya~ pareho ang nadarama ito ba ang simula.." with dance steps pa yan. Hahaha umikot pa ko habang kumakanta ng biglang..

"ARAAAAAY!" napasigaw ako sa sakit huhu. Nadapa ako huhu. Ang sakit sakit non huhu. Omg, paano na yung skin ko? Nasugatan na halaaa, yung beautiful sexy skin ko huhu.

"Idiot." rinig kong sabi ng dumaang lalaki.

Anong sabi niyaaaaa? Ako, idiot? Gusto ko pa sana siyang habulin kaso ang sakit ng mga paa ko huhu. Mga fren, help niyo naman idol niyo. Ay gaga, paano niyo nga pala ko matutulungan? Huhu.

Tumayo na ako at naglakad ng paika ika, para akong tanga huhu. Umuwi na lang ako at nakatulog sa sobrang pagod.

"HEAVEEEEEEEEN! NGAYON YUNG ALIS MO TUMAYO KA NA DIYAN!" dinig kong sabi ng fire gun na bibig ng mama ko.

Nagtakip ako ng unan at sinubukang matulog ulit pero si mama ay inalog alog ako at pilit pinabangon. Hay nakoooo. Mama naman e, nag bu-beauty sleep pa ako e. Kailangan maganda ako pag kaharap ko sila dibaaa? Hay nako mama talaga.

Tumayo na ako at nag ayos ng sarili. Nag make up din ako ng kaunti kasi alam niyo naman, sobrang ganda ko na baka matalo ko na ang reyna pag ginandahan ko pa. Hay nako, ang hirap talaga. Ang hirap maging dyosa. Nagcheck ako ng social media accounts ko at nag upload na din ng picture. Syempre sayang outfit at ayos ko ngayon kung di niyo makikita diba? Para na rin ganahan kayo kasi nakakita kayo ng cute hays.

"Anak, mag iingat ka don ah? Kaya mo naman na sarili mo at malaki ka na. Iwas iwasan mo pagkapilosopo mo don juskong bata ka." sabi ni mama sakin habang umiiyak. Mama yung totoo? Kanina ka pa iyak ng iyak diyan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Princess' TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon