KABANATA 2

5 2 1
                                    

Antok na antok akong bumangon sa kama ko. Nakakatamad pumasok. Should I go to school or not? Mga bes tulungan niyo idol niyo. Ano? Papasok ba ko? Sige na nga. Papasok na ko para sa ekonomiya ng bansa.

Pagpasok ko ng school nakita ko ang prinsipe, nagtago agad ako sa likod ng puno. Nang masigurado ko na nakalayo na siya, lumabas na ko. Hahaha. Parang may krimen na ginawa lang hano? Pero ayoko kasi maalala yung kahapon. Nakakahiya yun mga bes. Ang idol niyo sinabihan ng malaki mata at tanga ang prinsipe. Kaya naman, magtatago muna ko hanggang makalimutan niya yon.

Natapos ang maghapon ko sa pagpipinta. Nakakatamad all day nga ang naganap. Kawawa ang beautiful hands ng idol niyo at ngalay na ngalay kaka-paint. Huhu. Pauwi na ko nang makasalubong ko si Javier Jose Tagu-- este Barber. Hehe. So ayun, kumislot na naman ang heart beats fast, colors and promises ko. Kaloka mga bes. Pero kailangan ko muna siya iwasan, para naman mamiss niya ako. Ako lang ba? Ako lang ba ang dapat na makamiss sa kanya? Siya rin dapat mga bes. So ayun nga, nagtuluy-tuloy ako sa paglakad at kunwaring di ko siya napansin.

Pag uwi ko. Sinalubong ako nang kuya kong ubod ng sweet.

"Hi Be, Iloveyouuuuuuu." Sabi ni kuya Joao habang yakap ako at hinalikan ako sa noo. Yie. Sweet. Love na love ko 'to. Kuya na bestfriend pa. San ka pa diba? Kaya bilhin niyo na si kuya. 2in1 tuseran. Hahahaha.

"Iloveyoutoo engots." Sabi ko at tumingkiyad ng kaunti at hinalikan siya sa pisngi.

"Hi bunso." Bati ni kuya Heabrent sakin at nikiss ako sa forehead. Nihug ko naman siya.

"Nasaan sila mama mga kuya kong gwapo?" Tanong ko sa kanila.

"Umalis sila. Business trip. 2weeks yon." Natawa naman ako kay kuya Heabrent saka ito pinalo ng mahina.

"Kelan pa nagkabusiness sila mama ha?" Sarcastic kong tanong.

"Ngayon lang baby girl. Lika meryenda ka muna." Eka ni Kuya Joao sakin. Marunong pang mamilosopo ya? Tumingin naman ako sa mesa at literal na nanlaki ang mata ko sa dami ng cake, drinks at iba't ibang desserts. Wow as in wow.

Kumain lang ako ng kumain. Ang sasarap kaya. Di ko na tinanong saan ba nanggaling 'tong masasarap na pagkain na 'to. Basta kain ang idol niyo mga bes. Sila kuya ko naman, ayon kumain din.

"Be?" Tawag sakin ni kuya Joao. Nilingon ko lang siya. Kumakain nga kasi ang idol niyo diba?

"Gusto mo na ba magpakasal?" Muntik na kong mabilaukan sa sinabi ng kuya kong minsan matino madalas baliw parang kami ni mama.

Inubos ko muna yung nasa bibig ko saka nagsalita. "Aba kuya? Baliw ba u? Sa dyosa kong ito, mag aasawa agad? Asa. Enjoy life. Be dyosa always like me." Ang dyosa ng idol niyo no? Oo alam ko na iyon mga bes. Actually matagal na. Lalo na sa facebook? Jusko. Pamatay ang mga filter ko bes. Gusto niyo ba malaman para maging famous din kayo? Wag na uy. Idol niyo lang dapat famous mga bes.

Hay. Sakit ng tiyan ko sa busog. Wtf? Di ako makatayo ah? Buset naman. Jusko? Paano na ang aking sexy body? Paano na ang image ko? Oh my. Ay oo nga pala may photoshop naman. Di ko na pala problema yon. Ay! Nako naman. Sa sobrang ganda ng mga cakes kinain ko agad iyon, di ko tuloy napicturan. Sayang naman! Pang instagram na yon oh! With caption, Let's eat mga bes? #Meryendagoals. Hay sayang talaga.

Ang busy busy ko na lang palagi.

"I want to marry you. Ikaw lang naman ang mahal ko." Wtf? Ano yon? Naglalakad kasi ako sa mga rooms then may ganito. Huminto ako sa may gilid at dahil tsismosang tunay ang idol niyo. Pinakinggan ko iyon.

"Pero hindi nga pwede. Prinsipe ka. Walang wala lang ako kumpara sa'yo. Tama na itigil na natin 'to." Ay pusang kinalbo! Bigla akong nadulas at nabuksan yung pinto. Napatingi tuloy sakin si Javier Jose? At sino ba 're? Jusko naman. Huwag niyo sabihin mga bes na ito yung ipagpapalit sakin ni Javier? No way. Hindi. Ay char lang. Di pala naging kami. Huhu.

Princess' TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon