New Year's Eve
5 years. 5 long years. New year na naman. Ilang New Year pa ako ganito? Ilang New Year pa hihintayin ko? Ilang New year pa bago ka bumalik? Ilan pa? Hindi para sa akin. Kundi...
Ako si Yummie Faye Enriquez. Pangalawa ako sa aming magkakapatid. Journalist. Living on my own. Middle Class kami belong. Ibig sabihin, hindi mayaman, hindi rin naman mahirap. Okay ang buhay ko. Masaya ang pamilya namin. Walang problema. Ako, nakiseparate na kila Mama at Papa. May trabaho na. May sarili na akong Condo Unit sa Makati. Pero tumutulong pa din ako sa Parents ko. The least I can do to return lahat ng binigay nila sa akin. Though they're not asking for it. 23 na ako. Mag-isang tumataguyod sa buhay. Single. Single? Di ko alam e. Siguro? Simula nung umalis sya. Simula nung nagpaalam sya. Simula nung...
* Way back 2008
New Year's Eve. I was with him. Nasa park kami. Safe kasi dito. Bawal magpaputok sa Park. Dito din kami palaging nagpupunta tuwing lalabas kami. 3 years na kaming mag-on. And everything seems to be perfect. Not until he decided na mag-aral sa ibang bansa.
"Tuloy ka na ba talaga? :( Ang aga naman ng pag-alis mo." malungkot kong tanong sa kanya.
Hinarap nya ko sa kanya. Hinawakan nya magkabilang pisngi ko. "Oo e. Bukas na yun. Matagal na nating pinag-usapan yun, di ba?" Tumigil sya sa pagsasalita. Humikbi ako. Di ko pa kasi ata kayang magkalayo kami. "Shhh! Wag ka nang umiyak. Di bagay sayo. Babalik naman ako e. mag-aaral lang ako. At ikaw din. Babalik ako. Tandaan mo yan ha? New Year ngayon. New year din ako babalik. Pangako yan. Forever tayo, di ba? IloveYou so much, Yummie Faye Enriquez Montenegro." At hinalikan nya ko sa noo. Doon na ko naiyak talaga. Niyakap ko sya ng mahigpit.
"Pangako mo yan ha? Dito kita laging hihintayin. IloveYou so much, Ivan Niel Montenegro."
Ang bilis dumaan ng mga araw. Okay naman yung first few months. Pero kalagitnaan ng taon, medyo busy na sya. Di ko na gaanong nakakausap sa phone o e-mails.
Sumunod na New Year, hinintay ko sya. Pero walang dumating na Ivan Montenegro. Iyak lang ako ng iyak noon. Dumating ulit ang New Year wala pa rin sya. Ilang New Year na ang dumaan. Ilang New Year na kong nangingulila. Ayaw kong sumuko. Ayaw kong mawalan ng pag-asa kahit nagmumukha na akong tanga. Kahit hindi para sa akin... kahit ang sakit-sakit na. Sobra! Ilang taon na. Ilang taon pa?
* Nasalukuyan...
Napasinghap na lang ako sa mga naalala ko. Naiiyak na naman ako. Di ko sya makalimutan dahil araw-araw ko pa ding nakikita ang mukha nya. Nakangiti sa akin. Ang mga mata nyang mapupungay. Alam ko sa sarili ko. Maka-move on man ako, di ko pa din sya makakalimutan kahit kailan.
"Bakit ba umabot sa ganito? Saan ba ko nagkulang? Hindi pa ba ko naging sapat? At di na sya bumalik? at hindi na babalik pa." Patuloy ang pagdaluy ng mga luha ko. Iyak ako nang iyak. Wala na kong ibang gawin pag naaalala ko sya. "Bakit? Ngayon pa? Na kailangan ko sya. Namin." Niyakap ko na lang ang tuhod ko at patuloy pa rin sa pag iyak. Ang lamig ng hangin. Parang niyayakap ako. Parang gusto akong dalhin sa kung saan.
"Tahan na. Wag ka nang umiyak. Di bagay sayo."
Napatigil ako. May narinig akong boses. Pamilyar. Yung boses na yun. O guni-guni ko lang? Haaay. Hindi ko makakalimutan ang boses na yun.
"Yummie..."
May tumawag sa pangalan ko. Yung boses. Sya ulit yun. Unti-unti kong tinaas ang ulo ko. Puro luha pa din ang mukha ko. Lumingon ako sa kaliwa ko. May tao. May nakikita akong tao. Lalaki. Matangkad. Maputi. Singkit. Gwapo. Mapupungay na mata. Yung mukha ng taong Crush ko noon. Mukha ng taong nanligaw sa akin at sinagot ko. Mukha ng taong minahal ko. Pinangakuan kong mamahalin ko habangbuhay... Napatayo ako. nakatitig lang ako sa kanya at ganoon din sya sa akin.