“Palagi nalang bang ikaw yung maghahabol?”
Naranasan mo na bang maghabol ng tao?
Hindi dahil sa may utang siya sayo o may atraso, kundi dahil gusto mo siya at gagawin mo ang lahat mapasayo lang siya.
Magagawa mo pa bang maghabol kung may mga bagay at taong hahadlang sayo?
Kahit kaibigan?
Kahit kaibigan pa yan.
Kahit nakakasakit ka na ng iba?
Kahit masaktan ko pa sila ng paulit ulit.
Kahit pa sarili mo na ang sinasaktan mo?
..... Kahit ako pa mismo ang masaktan.
Pero paano kung nagising ka sa katotohanan?
Anong klaseng katotohanan?
Katotohanang hindi niya deserve.
....
Katotohanang hindi mo na kailangan maghabol dahil..
....
Dahil may tao na pala sa likod mo na humahabol sayo simula pa noong una habang iba yung hinahabol mo.
Edi titigil nalang ako, para maabot ako nung humahabol sakin.
Para kayo nalang yung may happy ending, ganun ba?
Oo.
Eh paano kung sa oras na handa ka nang tumigil sa paghahabol ay ang oras na napagod na din siya kakahabol sayo?
.....
Magawa mo pa kayang maghabol ulit sa ibang tao kung katatapos mo lang maghabol na wala ka namang napala?
....
....
I'll take the risk.
Susubukan ko.
Siguro, para sa kanya.
Oo, pero last na 'to.
Ikaw? Hanggang kelan mo balak maghabol? Hanggang kelan mo kakayanin ang lahat ng sakit?
Hanggang kelan ka magtitiis?
THE CHASE
~~
MUST READ.Hi Readers! So you're probably thinking why I changed the title. Actually hindi lang yung title, yung buong story mismo. This won't be a KiefLy fanfic anymore. Kasi kasama na ang ibang ships. Ayokong magsabi, kasi iba iba yung mga ishiship ko dito. Hahaaha. Hope you understand. Pero promise, hindi naman kayo maguguluhan.
P.S
Comment your feedbacks para naman ganahan ako. Char. Hahaha. Wag naman yung 'UD' , 'Ud na please' , 'Bitin, update ka ulit' , Hay nako. Feedbacks guys o kaya reaction niyo man lang sa update ko. Thank youuu.
P.P.S
I'm promoting AnimObf nga pala 😊 Wala naman kasi dapat i-hate, napag-isip isp ko din. Hahaha. Let us all be matured. Peace and love! ❤