Minsan hindi ko na maintindihan yung puso ko. Alam mo bang madalas kang hinahanap nito? Pero madalas hinihiling din na sana hindi ka na makita pa para hindi na bumalik ang nararamdaman.
Alam ko naman kasi na kahit anong pagpapapansin ko ay wala ding mangyayari dahil iba ang gusto mo.
Habang ako ay titig sayo, nasa kanya naman ang mga mata mo.
Sana kahit minsan, makita mo rin ako. Hindi yung dadaanan mo lang. Hindi yung makakasalubong mo na nga pero deadma pa rin.
Handa naman akong gawin ang lahat. Bigyan mo lang ako ng sign.

YOU ARE READING
Everyday thoughts
DiversosMga bagay na naiisip kapag walang magawa. Walang storya pero hango sa ganap sa buhay. Mga katanungan na hindi maitanong.