Bumabalik

1 0 0
                                    

Higit dalawang taon na pala ang nakakalipas.
Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin masabi na naka move on na ako.
May mga araw pa rin na naiisip kita.
Yung bigla ka na lang papasok sa utak ko kahit wala ka namang kinalaman sa ginagawa ko.
Minsan naiisip ko na baka iniisip mo rin ako kaya ganun.
Tapos matatawa na lang ako kasi sino bang niloko ko? Eh alam ko naman na masaya ka na sa piling nya.
Magdadalawang taon na nga kayo eh. Dalawang taon na kayong masaya samantalang ako parang timang pa rin.
Hindi ko alam kung bakit.

Hanggang ngayon parang ikaw pa rin yung nandito sa puso at isip ko kahit meron namang ibang nagpaparamdam.

Sa ikli ng panahon na pinagsamahan natin, pakiramdam ko ay taon.

Masakit. Napakasakit. Sumasakit parin yung puso ko.

Sana dumating na yung panahon na mawala ka na ng tuluyan sa puso ko, gaya ng pagkawala ko sa puso mo ng biglaan.

Everyday thoughtsWhere stories live. Discover now