DANIEL'S POV
Karla: Daniel, you need to wake up na.
Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko. Pero imbis na bumangon, lalo ko pang isinubsob ang mukha ko sa pillow ko.
Karla: Daniel, ano ba? Gusto mo bang ma-late sa first day of school mo?
Hinila niya ang braso ko, trying to make me get up.
Daniel: Ma, do I really need to go?
Bumangon na ako.
Umupo si Mama sa gilid ng kama ko. She put her hand on my lap.
Karla: Anak... she looked at me straight in the eyes
Karla: Akala ko ba naiintindihan mo na ang sitwasyon natin?
I gave her a heavy sigh.
Daniel: Eh kung bakit pa tayo ang kailangang lumayo eh. I slightly rolled my eyes at umalis na ng kama at dumiretso sa banyo, leaving my mom alone.
KARLA'S POV
Pumunta na ng banyo si Daniel. I can't help but to feel sorry for him.
Masyado na kaming madaming pinagdaanan and this time, napilitan na kaming lumayo. Nakaramdam ako ng awa sa anak ko dahil ang paglipat ng bahay at paglipat ng school ay hindi madali. Lalo na ngayon, nagstart na ang school year.
After 30 minutes, narinig ko na ang pagbaba ni Daniel sa hagdan. Casual ang suot niya dahil hindi pa tapos tahiin ang bago niyang uniform. Kitang-kita sa mukha niya ang kawalan ng gana.
I prepared a heavy breakfast para naman magkaron siya ng energy the whole day.
Karla: Anak, magbreakfast ka na. Nginitian ko siya, nagbabakasakali ako na magbago ang mood niya
Daniel: Wala po akong gana. Baka sa school na lang po ako kumain.
Karla: Ah ganun ba? Osige, nandun na si Kuya Anton sa labas. Just text him kung pauwi ka na.
Daniel: Okay po. Alis na po ako. Nagbeso siya sa akin at umalis na.
That's what I really like about Daniel. Kahit medyo nagtatampo siya sayo, rerespetihun at rerespetuhin ka pa rin niya. Ngumiti ako ng bahagya.
Karla: Makakaya mo yan Daniel. Kakayanin natin to. Bulong ko sa sarili ko.
DANIEL'S POV
Pumasok na ako sa loob ng sasakyan.
Kuya Anton: Goodmorning, Sir DJ!
Daniel: Goodmorning din ho. Binigyan ko siya ng pilit na ngiti.
Kuya Anton: Ayos lang yan Sir DJ. Balita ko mas malaki yung school na pinapasukan mo dati kesa sa papasukan mo ngayon. Tsaka first day mo pa lang naman ngayon eh, kaya medyo mahihirapan ka pero bukas... YAKANG YAKA NA! Tumawa siya.
Daniel: Sana nga ho eh. Nginitian ko lang ulit siya. Nakatulong naman kahit papano yung sinabi ni Kuya Anton. Kuya Anton has been our long time driver. Pinagdadrive na niya ata ako for like forever kaya sobrang close kami nito. Marami na rin siyang naturo pati na nga ang pagdadrive.
Napatingin na lang ako sa bintana. Bagong bagong ang mga lugar na nakikita ko. Mukhang hindi ganoon kadali mag-adjust.
Daniel: Hay Daniel Padilla. Ano bang nangyayari sa buhay mo ngayon! Kinailangan pa naming lumipat ng bahay ni Mama. Tapos ako, kailangan ko pang lumipat ng school. Isang tao lang naman ang dapat sisihin dito eh. Si papa yun. Kung hindi lang paulit-ulit na nagloko to si Papa, hindi sana masasaktan si Mama. Hindi sana sila maghihiwalay. Hindi sana mapipilitan si mama na lumayo kasama ako. Hindi sana kami nagdudusa ngayon.
BINABASA MO ANG
VARSITY LOVERS (Kathniel) ONGOING
FanfictionThe coolest guy and the coolest girl in the campus. Pero sa lahat ng bagay, magkaibang magkaiba sila. Kung gusto niya, ayaw nya. Kung ayaw nya, gusto nya. Sa isang bagay lang sila magkapareho. They both love basketball. What if sa isang bagay na ito...