KATHRYN'S P.O.V.
SETTING: CLASSROOM
Kakabalik ko lang galing library. Wala pa ding teacher. Ang nangyari kanina sa library ang nasa iniisip ko. Haaaay. Yuck! Pwe! Ew kadiri! Hindi ko siya gusto noh! Nakakasuka. Hindi ko alam kung umepekto ba yung ginawa ko kay Daniel kanina. Yun kasi ang tinurong strategy ng lolo ko. Kapag ayaw ka daw tantanan ng lalaki, sabihin mo lang daw sa kanya na may gusto siya sayo at for sure titigilan ka na nun. Alam kong magmumukha akong assuming kay Daniel pero ayoko naman yung ako yung naiinis araw-araw dahil sa pangungulit niya.
Naalala ko tuloy nung kinukulit ako nun ni Kobe. Ginawa ko din yang strategy na yan.
FLASHBACK~~~~~
Kathryn: Ano ba?! Bat mo ba ko kinukulit palagi? MAY GUSTO KA BA SAKEN?!
Kobe: Pano kung meron?
Kathryn: Tantanan mo nga ako! Sinubukan kong umalis pero humarang siya sa daan.
Kobe: Oo, Kath! May gusto ako sayo! Sinubukan ko ulit pero ayun ulit siya.
Kobe: Kath??? Ayan na naamin ko na sayo!
Kathryn: KOBE!!!! PWEDE BA!!!!
~~~~
Nadala na talaga ako nun nung hindi tumalab kay Kobe yung strategy na yun. Lalo pa niya akong kinulit nung mga panahong yon. Haaaaay! Sana umepektib talaga kay Daniel yun.
Hindi lang iyon ang rason ko...
Ngayon lang ako nakaencounter ng lalaki na effortless akong paiyakin. Yung tipong wala siyang idea na dahil sa mga sinasabi niya ay naiiyak na ako. Alam kong wala siyang alam kahit isa sa mga problema ko pero bat ganun... ang bilis niya akong paiyakin? At parang huling huli niya ako ang weak side ko. Ano bang meron sayo Daniel Padilla? May nalalaman ka ba tungkol sa akin?
O kaya nakakatsamba ka lang talaga. Kung kelan ako namomroblema tsaka mo ko trip? IIIIHHHHHH! KAKABADTRIP TALAGA.
FLASHBACK~~~~
Papunta ako ng refilling station para refillan ang tumbler ko. Nakakainis dahil sinusundan ako nitong Daniel na to.
Daniel: Kailan mo ba ko balak pansinin? Hindi ko siya pinansin, patuloy pa rin ako sa paglalakad.
Naramdaman ko na tumigil na siya sa paglalakad. Wag na niya sana akong sundan pleeaaaseee.
Daniel: Chandria!!!!!
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig kong sinigaw niya yun. Nag-echo sa utak ko ang boses niya.
Chandria~ Chandria~ Chandria~ Chandria~ Chandria~
Kaboses na kaboses niya ang lalaking pinakasusumpa ko. Ewan ko pero nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Biglang nag-appear ang mukha ng lalaking 'yon sa utak ko nang isigaw ni Daniel yun.
Nilingon ko siya, ramdam ko na naluluha na ako.
Itigil mo na yan, Daniel. Hindi mo alam kung gano kasakit kapag tinatawag mo kong Chandria.
~~~~~~~~~
At kanina muntikan na naman niya akong mapaiyak. Ano bang meron kay Daniel at naaalala ko ang lalaking iyon? Ang lalaki na nagbigay mantsa sa magandang kulay ng buhay ko.
SOFIA'S P.O.V.
Bago ako lumabas ng cr ay sinigurado ko na na walang dumi sa mukha ko at maganda akong tignan. Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon sa sinabi sakin kanina ni Daniel. Malamang pagbalik ko sa room ay kakausapin niya ako.
BINABASA MO ANG
VARSITY LOVERS (Kathniel) ONGOING
FanfictionThe coolest guy and the coolest girl in the campus. Pero sa lahat ng bagay, magkaibang magkaiba sila. Kung gusto niya, ayaw nya. Kung ayaw nya, gusto nya. Sa isang bagay lang sila magkapareho. They both love basketball. What if sa isang bagay na ito...