Jolly Spaghetti

14 1 2
                                    



Pagkatapos ng tagpong yun pinatuloy ako ni Patrick sa loob ng kwarto.. nag damit na sya at pagkatapos ay lumabas ng kwarto. Naiwan akong mag isa sa loob... ibinaba ko ang mga dala kong gamit sa gilid ng kaliwang kama at umupo ako dito habang minamasdan ang buong kwarto..

Medyo magulo ang kwarto Malaki naman sya pero halata ang kalumaan ng bahay. Nagtataka ako kung bakit ang mahal ng upa dito samantala sa cavite buong bahay na ang makukuha mong apartment sa halaga ng isang kwartong tulad nito.. well nasa manila kasi eh kaya nagtatake advantage talaga ang mga may ari ng bahay dito para kumita ng Malaki sa mga mangungupahan..

Dalawa ang kama sa loob ng kwarto may isang lumang at maliit na tv at may dalawang aparador, malamang tig isa sila dito ng kasama nya. Sa gilid naman ay makikita mo ang mga sabit sabit na damit at pantalon may nakahanger na uniporme sa gilid at mga sapatos naman ang nakapila sa gilid ng pintuan.. presko ang pakiramdam sa loob ng kwarto dahil sa isang malaking bintana na halos sakupin na ang buong pader at tanaw mo mula dito ang isa pang lumang bahay sa tapat na sa tingin ko ay boarding house din tulad nito.
Hindi ko na inayos ang mga gamit ko kasi nga makikitulog lang naman ako ngayong gabi dito siguro naman nasa baba na yung bantay kanina pero medyo pagod na din ako kaya ayoko na makipag usap sakanya ..nagpasya akong bukas nalang alamin ang totoo kong kwarto...

Naghubad ako ng sapatos at nagpalit ng pambahay. Binuksan ko ang tv at nagtataka ako kung paano nakapag tyatyaga si Patrick at ang kasama nya dito sa kwarto sa labo ng reception ng tv nila maya maya biglang bumukas ang pintuan si Patrick pala.. dire diretso sya sa gilid may box doon at nakita kong kumuha sya ng mga kubyertos tapos binaba nya un tv sa lapag at kinuha yung maliit na mesa tapos naghain sya ng pagkain..

RICK: (nag hain ng pagkain)

ATOY: (nakatitig)

RICK: (napatitig kay atoy) Oh?! Wala akong budget para ilibre ka ng hapunan (habang sinasalin ang ulam sa tasa)

ATOY: ok lang di naman ako nagpapalibre kuya..

RICK: mabuti naman.. pero kung gutom ka na dyan sa tapat pag baba mo kumaliwa ka tapos doon sa gilid may mga nagtitinda ng lutong ulam at kanin . doon ka bumili mas mura don kesa sa mga fastfood.. isa pa... (habang sumusubo ng pagkain at tuloy sapag sasalita) wag mo kong tawaging kuya dahil hindi naman siguro malayo ang edad ko sayo.. rick nalang mas ok pa ko don..

ATOY: sige RICK...

Napakahangin ng lalaking to akala mo naman kung sino ang awkward ng pakiramdam sa kwarto habang sya kumakain ako naman nakaupo sa kabilang kama kaya kumuha ako ng isang bag para lagyan ng laptop at ibang gadgets na dala ko.. medyo gutom na din kasi ako kaya naisipan kong lumabas para kumain..

RICK: oh? Diba sabi ko dito kana magpalipas ng gabi? Saan ka pa pupunta?

ATOY: kakain sa labas.. (Habang inaayos ang mga gamit sa isang bag)

RICK: kakain ka? Eh bakit dadalhin mo pa yang mga gamit mo?

ATOY: andito kasi mga gadgets ko..

RICK: ahhh! Alam ko na baka may mawalang gamit sayo? Ayos ka din no. o sige dalin mo yang mga gamit mo pati yang mga damit mo at humanap ka ng kwartong magpapatulog sayo .. for your information hindi ako magnanakaw kahit isang alikabok sa mga gamit mo hindi magagalaw .. ako na nagmagandang loob sayo napagisipan mo pa ako ng masama? Matindi ka din no?

ATOY: hindi naman sa ganon pero siempre nag iingat lang ako kua.. este rick

RICK: bahala ka sa buhay mo! Kapag ikaw na holdap pa sa labas tatawanan kita! (sabay kuha ng tuwalya at lumabas ng kwarto)

Medyo napaisip ako sa sinabi nya nakaka offend nga siguro yung ginawa ko pero kung kayo nasa kalagayan ko ano ba tingin nyo gagawin nyo?! Wala naman masama kung mag ingat ako diba? Hays!

PARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon