Kisame

15 1 2
                                    





Pagpasok ko ng pintuan at bumungad sakin muli ang mala impyernong hagdan na kailangan ko pang panikin... hinihingal na ako ng makarating ako sa 4th floor .. kinuha ko sa bag ko ang susi ng kwarto ng bigla kong mapansin ang nilalangam na spaghetti sa tapat ng pintuan..

"FVCK! NAPAKA GAGO TALAGA!!!"

Ang kapal ng muka nya para hindi maappreciate ang ginawa kong pagbili ng pagkain para sakanya dapat talaga hindi ko na sinunod ang advice ni polah eh.. dapat hindi na ako nag effort, bukod sa nagsayang na nga ako ng pera eh napahiya pa ako.. sino ba sya sa akala nya.. nakakainis! (habang sinusuntok ang unan sa kama)

(Nang biglang may pumasok sa pintuan)

" oh?! (sabay silip sa room number sa labas ng pinto) I guess hindi naman mali ang kwartong pinasok ko no? ikaw na siguro yung bago kong roommate?"

ATOY: (tumayo sa kama at lumapit) ahh! Oo Anthony nga pala.. (inabot ang kamay)

PERT: (nakipag kamay) "nice meeting you Anthony ako nga pala si Paul Robert pero PERT nalang itawag mo sakin..."

ATOY: ahh sige pert sakin atoy nalang itawag mo para di masyadong formal sa Anthony...

PERT: ah ganon ba sige.. mmmhh (tumingin sa pintuan) hindi naman siguro sayo yung nilalanggam na spaghetti sa labas ?

ATOY: unfortunately yes! Hindi yan saken pero sakin yan..

PERT: (Nakatitig at nagtataka)

ATOY: uhmmm.. wait ganito! Kagabi kasi maling room naibigay sakin nung bantay tapos nakitulog ako don sa napasukan kong kwarto sa 3rd floor.. dapat yang spag na yan yung pa "thank you" ko sana sakanya nagulat ako pag uwi ko ngayon dito hindi nya pala kinain tapos hinayaan nya lang langgamin dyan sa labas...

PERT: oh teka atoy relax.. (habang naghuhubad ng polo nya)

ATOY: ay pasensya na ha nagiinit talaga ulo ko don sa lalaking yon (habang naghuhubad naman ng sapatos)

PERT: ahaha teka 3rd floor? Saang kwarto don?

ATOY: oo 3rd floor kilala mo ba si rick? Patrick daw pangalan nya eh..

PERT: ahhhh oo si fuccboi... hahahaha

ATOY: kilala mo ? haha fuccboi talaga?!

PERT: nako babaero kasi yun lagi ko yun nakikita ibat ibang babae ang kasama.. hindi kami totally magkakilala pero noong minsang nagkaroon ng salo-salo ang mga nakatira dito sa boarding house eh nakainuman ko sya ..

ATOY: nagkaron ng salo salo?

PERT: mmmhh yung may ari kasi ng bahay na to si tita ruby napaka kalog non at sobrang bait.. napansin mo ba ang hirap humanap ng boarding house dito sa lugar natin na pang lalake? Halos lahat puro boarding house ng babae.. iilan lang yung mga boarding house na kagaya nitong kay tita ruby .. at ito na siguro yung pinaka mura..

ATOY: ahh tapos? (nagpalit na ng pambahay)

PERT: di ko alam ang totoong kwento ni tita ruby pero sabi noong mga mas matagal na sakin dito namatayan daw ng anak na lalaki si tita ruby ...kaya tinuturing nya na anak ang mga boarder nya dito... tapos quarterly nagkakaron ng ambagan ang lahat dito tapos nagsasalo salo sa hapunan dyan sa baba..

ATOY: ahh talaga?! Lahat naman nagpaparticipate?

PERT: mmhh oo halos lahat pero yung iba hindi kasi yung iba may mga trabaho yung iba naman mga nag sisipag sa pag aaral...pero so far ok naman nakaka dalawang attend palang ako don.. yung last ko nakainuman yung tinutukoy mong si fuccboi.. (tuloy sa pagkukwento habang nakahiga)

PARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon