My 1st Salo-Salo

5 1 1
                                    





Okey sa wakas may kwarto na din..kinuha ko na ang bag ko at nagpaalam kay pert, magkahiwalay kasi kami ng magiging kwarto.. antok na antok na kasi talaga ako ng makapanik ako sa 3rd floor hinanap ko agad ang room 305 ng biglang mawala ang antok ko ng Makita kong ang room 305 ay ang kwartong una kong tinuluyan..

"KWARTO NI RICK!?!!!!?!!"

(sabay bukas ng pinto)

RICK: oh? Pumasok kana mahal na prinsepe (sabay muestra ng kamay na parang nag-aanyaya ng panauhing pang-dangal)

ATOY: (sumimangot at tumingin sa babang hagdan na tila may hinahanap)

RICK: (nag-pamewang) ano papasok kaba o hindi? Maaga klase ko mamaya may training pa ako ng basketball.. wag muna silipin si tita ruby at nakauwi na yon kaya wala ka ng choice kung hindi matulog ulit dito.. (ngiting pang asar)

ATOY: (nakasimangot na pumasok sa kwarto)

Pagpasok ko ng kwarto nakita kong nakahiga na si gabo sa kaliwang kama at may nakalatag na foam sa lapag.. ilalagay ko sana sa kanang kama ang mga bag ko ng biglang..

RICK: opps! Doon ka (sabay turo sa foam sa lapag)

ATOY: (tumaas ang kilay at dinerecho ang paglagay ng gamit sa lapag)

RICK: (humiga at tila ng aasar) hayss! Sarap matulog sa kama... (sabay titig kay atoy na kasalukuyang nag aayos ng gamit)

ATOY: may araw Kadin.. (pabulong)

RICK: what?! May sinasabe ka mahal na prinsepe?!

ATOY: WALA! MATULOG KANA!

Lumipas ang mga araw na pinipilit kong umalis ng mas maaga kay rick sa kwarto kapag papasok at kapag uuwi naman ako nag stay ako madalas sa labas kasama si pert , minsan napunta din ako sa pansamantalang kwarto nya kapag wala ang mga roomates nya.. doon ako nag tatagal habang nagpapatugtog sya ng gitara .. gusto ko kasi pag pasok ko ng kwarto ko tulog na si rick dahil wala syang tigil sa pang aasar sakin.. although mabait naman si gabo at sya ang madalas kausap ko kapag hindi maiwasang magpang abot kaming tatlo nila rick sa kwarto..

Isang umaga nagising ako habang abalang-abala si rick at gabo ...

GABO: di ko na nga Makita yung kutsilyo dito sino ba huling gumamit pre? (naghahalungkat sa maliit na kahon)

RICK: pre andyan lang yan hanapin mo maigi ang di ko Makita yung tupperware na mahaba napansin mo ba? (habang nag hahanap naman sa ibabaw ng aparador)

GABO: andon sa kwarto nila felix diba? Sila nagligpit noong huli e?...ayun! nakita kona (kutsilyong hinahanap)

ATOY: teka teka teka!..

RICK: wow! Gising na ang mahal na prinsipe!

ATOY: tigilan mo ko ang aga mo..

GABO: hahaha! Ayan nanaman kayong dalawa..

ATOY: ano ba meron bakit parang abala kayo?

RICK: end of 2nd quarter ngayon kaya magkakaron ng salo-salo mamayang gabi dito sa bahay.

GABO: nagluluto na kami ng share namin ngayon ni rick sa baba para mamayang gabi inuman nalang ang iisipin namin.

ATOY: ah ganun ba?

GABO: oo uuwi kaba ngayon sa bahay nyo diba wala kang pasok ?

ATOY: oo eh..

GABO: ah edi hindi ka makakasama samin mamayang gabi?

RICK: nako syempre richkid sya hindi yan marunong makisama sa mga ganitong okasyon diba mahal na prinsepe?!

ATOY: (Tumingin ng masama kay rick ng biglang dumaan si felix na taga kabilang kwarto)

PARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon