RONA MAE: GABO GABO! ANG TATAY MO NA-STROKE!Natigilan ang lahat panandalian at nakita kong tumayo si gabo patakbo sa loob ng bahay kasunod si rick...
TITA RUBY: oh kalma lang tayo.. tuloy nyo lang ang ginagawa nyo at kami na muna ang bahala (na halatang kinakalma ang lahat habang naglalakad dahan dahan pasunod kay gabo at rick)
Pasimple akong nakiusyosyo sa loob dahil malapit lang ang kinauupuan ko sa pintuan, nakita kong umiiyak si gabo habang may kausap sa telepono, at narealize ko na malamang kay gabo ang tumutunog na cellphone sa taas ng kwarto kanina, si rick naman ay naka akbay sa kaibigang matalik at si tita ruby naman ay tahimik na nakikiramdam sa nangyayari...
Kalaunan ay nagpasyang umuwi si gabo sa kanilang bahay sa probinsya ng quezon para puntahan ang kanyang ama, hindi pa nya alam ang tunay na lagay ng kanyang ama at ayon kay gabo hindi sya matatahimik kung hindi sya uuwi ng kanilang bahay...
Hinatid sya ni rick sa terminal malapit sa cubao ng hindi alam kung kalian babalik o kung makakabalik pa.. patay na kasi ang nanay ni gabo at ang tatay nya nalang ang nag aalaga sa dalawa nya pang kapatid at ngayong nastroke ang tatay nya ay wala syang idea kung paano ang magiging setup ng kanilang buhay...
Natapos ang gabi ng salo-salo ng di ko namalayang umakyat na pala ako ng kwarto at natulog nagising na lang ako nang humahangos si rick pababa para magbanyo, medyo masakit pa ang ulo ko dahil sa hangover ng alak kaya sinubukan ko pa din ipikit ang mata ko..maya maya naramdaman kong nakabalik na si rick sa kwarto pero ilang minuto palang ang nakakalipas ay tumakbo ito ulit pababa... may 3 o 4 na beses tong naulit sawari ko'y nang aasar lang to para magising ako dahil alam nyang lasing ako kagabi...
ATOY: ano ba?! Palakad lakad ka Alamo namang kahoy tong lapag natin naririnig ko yung langitngit kada takbo mo nang aasr kaba talaga? (napatayo at nakatitig sa namimilipit na si rick habang nakahiga sa kama)
RICK: (saglit na lumingon , hindi pinansin ang binatilyo at muling nagtaklob ng mukha gamit ang braso)
ATOY: Ang arte nito! Kunwari kapa dyan ....
RICK: (tumayo ang mabilis na tumakbo ulit pababa)
ATOY: (sinundan sa hagdan si rick)
PERT: (papanik ng hagdan)
ATOY: (nakatitig padin sa tumatakbong si rick)
PERT: Hi atoy, goodmorning (habang nagpupunas ng buhok gamit ang tuwalya , walang pantaas at naka basketball shorts lang)
ATOY: uy goodmorning din pert.. ang aga mo naligo? May lakad ka?
PERT: yep magsisimba, saka para mawala din yun alcohol sa katawan ko..
ATOY: ahh ganon ba!
PERT: tsk tsk mukang masama ang tyan ni rick no?
ATOY: talaga ba? Nagising nga ako kasi ang ingay ng yabag ng paa nya akala ko inaasar lang ako eh...
PERT: ahahaha hindi masama talaga siguro ang tyan nya.. oh sya magbibihis na ako at nilalamig na ako dito sasama kaba magsimba?
ATOY: mmmhh maantay moba ako? Maliligo lang ako saglit mabilis lang to..
PERT: mmmhhh sige ba basta sagot mo lunch natin? Hahaha
ATOY: hahaha ok sige! Saglit.. (sabay pasok sa kwarto)
Mabait si pert, sobrang transparent ng pagkatao nya, alam nyo yung taong pakiramdam mo perpekto na, may ichura, matalino, magalang at mabait at kahit alam nya na hindi ako purong lalake eh hindi pa din sya naiilang saken habang nagdadasal nga sya sa simbahan hindi ko maiwasang hindi sya tignan eh, ewan ko ba pero kinikilig ako na ewan , sabay titig nalang kay papa god tapos biglang tanong ng "LORD SYA NA BA?" (kilig mats!)