Sabi nila ang love daw ay hindi nababase sa itsura, kulay, bigat, distansya, edad, lahi, o katayuan sa buhay. Ang love daw ay isang napakalaking mirakulo at mahika. Isa itong damdaming mararamdaman mo lamang mula sa kaibuturan ng iyong namumugtanging puso.Pero wait lang! Masyado ng malalim ee. *cough cough* (<- nag-clear ng throat)
Anyway, ang gusto lang nila sabihin ay ang love daw ay hindi basta basta.Para sa akin hindi yan nababase sa pisikal na anyo.
..except sa isa.
Ang bigote.
Oo. Tama nga ang nabasa nyo. Ang bigote.
Hindi ko rin alam kung bakit para sa akin, ang mga bigote ay napakaganda.
May iba't ibang klase ng bigote. Pero para sa akin, lahat ng klase ay maganda.
At dahil nga sa pagmamahal ko sa bigote, madali akong magkagusto sa mga taong may bigote. Halos lahat ng naging nobyo ko ay may bigote. Pero lahat sila ay may kanya kanyang kakaibang bigote, maniwala ka man o hindi.
"Ana, magbasa. Magbabasa tayo diba", pagtawag sa akin ng kaibigan kong si Camille.
Pero sa ngayon, wala akong boyfriend.
"Hay nako. Tulala ka na naman dyan. Iniisip mo siguro si Luis, noh?", pang-aasar naman ni Zally.
Si Luis ang ex ko. Kung di nyo na itatanong, si Luis ang pinakamatagal kong naging boyfriend. Tumagal kami ng 2 years. Imagine that. Masaya kami at madalang kami mag-away di tulad ng mga ibang couples na nagbabatuhan na ng mga gamit, nagsasampalan, at nagsasagutan, pero nasasabi pa rin ang mga katagang, "ikaw pa rin, walang iba, ang gusto kong makasama, walang iba."
Okay kami. Hanggang sa dumating ang ang araw na pinaka-kinatatakot ko..
* flashback
Magkikita kami ni Luis sa lagi naming pinagtatagpuan: ang McDo.
Ewan ko ba, masarap yung float nila ee. Oops.
"Ana!"
Pagtingin ko, si Luis....
Wala na yung bigote niya.
Nag-shave siya.
* end of flashback
Naramdaman kong gumuho ang mundo ko nung oras na yun. Para akong sinampal, tinadyakan, sinaksak, at inagawan ng pinaka-paborito kong pagkain.
Masakit.
Dahil doon, narealize kong hindi ako makakatagal sa mga relasyon. Dahil pag nawala na ang bigote nila, tumitigil na rin ang pagkagusto ko sa kanila. At kahit tubuan ulit sila ng bigote, hindi ko na sila nagugustuhan pang muli.
Hindi natuturuan ang puso.
"Sshh, wag kayong maingay. Nasa library tayo!", sabi naman ni Xandra habang yinuyuko ang ulo niya, tinatakpan ang mukha gamit ang libro.
"Pa-library library pa kasi. Di rin naman tayo nag-aaral", sabi naman ni Carla.
Hay nako. Ang mga kaibigan ko talagang 'to.
Patayo na sana ako para kumuha ng libro na di ko naman talaga gustong basahin nang biglang may tumayo sa gilid ko.
"Miss Juana Dee Macuntento!"
Sino kaya to? Ba't niya alam pangalan ko? Lumapit ako ng medyo at nakita kong...
ANG SOBRANG CUTE NYANG BIGOTE.
"Matagal na kitang gusto, Miss Juana! Please date with me."
~