Ang Pagtataksil

9 0 0
                                    

ANG PAGTATAKSIL

"Juana! Anong klase mo mamaya? Sunduin kita ah", si Hans. Abot tenga ang ngiti niya, kasama ang napakacute niyang bigote.

Ngumiti ako pabalik at nag-nod sa kanya.

"Sige, kita na lang tayo mamaya."

Lumipas ang ilang buwan at naging maayos ang relasyon namin ni Hans. Gaya ng mga ginagawa niya dati nung hindi pa kami, dinadalhan pa rin niya ako ng mga bulaklak, chocolate, at minsan, dinodrawingan niya ako.

Oo, mahilig mag-drawing si Hans. At sa tuwing nasa library kami, magrerequest siyang idrawing ako sa kung anong posisyon ko doon.

Natutuwa ako kay Hans. Masaya ako sa piling niya at alam kong masaya rin siya sa akin. Okay kami at okay din ang bigote niya.

"Paano yan? Sasabihin ba natin kay Juana?"

"Eh, paano pag umiyak? Puntahan na lang muna natin ung babae!"

"Mga immature. Mature na mag-isip yun si Juana kaya di siya magpapaniwala sa mga ganun noh!"

Kararating ko lang ulit dito sa library at nakakarinig ulit ako ng mga bulungan galing sa mga kaibigan ko.

"Anong meron? Anong kailangan kong malaman?" Ano ba sinasabi nila?

"Um.. Juana.. may kumakalat kasing balita.. Si Hans, may kinakatagpong babae daw ee."

Halos mahulog ko ang librong hawak ko.

Ito na ba ang sinasabi nilang karma? Sa ganitong paraan ba ako masasaktan dahil sa mga pananakit ko sa ibang tao dati?

Ni minsan hindi ko naranasan ang "maloko", o "mapagtaksilan". Lahat ng naging relasyon ko, iisa lang ang dahilan ng paghihiwalay; ang bigote.

MCDO

"Hans. May gusto sana akong malaman" Kailangan kong gawin to. Hindi sa wala akong tiwala sa kanya, pero kailangan ko lang makasiguro.

"Hmm?", nakingiti si Hans. Nakangiti din ang bigote niya.

"W-Wala. Nevermind."

Tama. Hindi magagawa ni Hans yun.

AFTER SOME DAYS ..

Nandito ulit ako sa library.

Papunta na sana ako sa table ng mga kaibigan ko ng makita ko ang likod ni Hans sa medyo makitid na daan, pinapaligiran ng mga libro.

"Han-"

Tatawagin ko na sana siya nang biglang may sumulpot na babae sa harap niya.

So may kausap pala siya..

"Thank you ng madami sa binigay mong chocolates." Rinig kong sabi nung babae.. Parang pamilyar ang boses na yun ah?

"Walang anuman. K-Kahit anong gusto mo, sa abot ng aking makakaya, ibibigay ko sayo.. D-Dahil.. M-M.. M-Mahal.. M-Mahal k-kita."

... si Hans.. 

Totoo ba tong mga naririnig ko?

"M-Mahal kita. Bebang.."

~

My Bigote LoveWhere stories live. Discover now