Walang sayo Bebang, Akin lang ang Boyfriend ko

8 0 0
                                    


WALANG SAYO BEBANG, AKIN LANG ANG BOYFRIEND KO!

Bakit ganon? Bakit niya ako niloko? Akala ko okay kami. Akala ko mahal niya ako. Akala ko lang pala yun.

Walang forever.

"Break na tayo." Mga katagang madaling isipin pero mahirap sabihin at gawin.

Hindi.

Hindi pwedeng mangyare to. Ako ang girlfriend ni Hans at hindi si Bebang.

Kailangan ko siyang ipaglaban.

FOUNTAIN

"Bebang. Alam mo naman sigurong may kumakalat na balitang may kinakatagpong ibang babae si Hans. May alam ka ba tungkol dito?"

Kasalukuyang kumakain si Bebang ng chocolates. Bigay kaya yun ni Hans?

Binigyan ako ng ni Bebang ng kakaibang expression ng mukha niya. Hindi ko alam kung naiinis ba siya o natatawa.

"Ahhh. So iniisip mo sigurong ka-affair ako ni Hans?", sabi niya habang kumakain ng chocolate, at may madungis na mukha.

"Bakit, hindi nga ba? At yang chocolates na kinakain mo, bigay niya yan. Diba?"

Parang di alam ni Bebang ang mga sinasabi ko. Akala ko din wala siyang alam, pero nagsimula siyang magsalita. "Oo. Bigay nga to ni Hans." Sabay kagat ulit at lamon sa chocolates.

"Lilinawin ko lang Bebang. May girlfriend si Hans. At ako yun. Walang sayo Bebang, akin lang ang boyfriend ko!"

Hindi ko na talaga kaya ee. Gusto ko siya ipaglaban!

Nahulog ni Bebang ang kinakain niyang chocolate. Magsasalita na rin sana siya. Pero biglang dumating si Hans.

"Anong nangyayare dito? Sinabihan ako na may away daw at kasama ka daw Ana?"

Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Hans.

"Sabihin mo sa akin ngayon Hans. Sino ako sayo?" Tama. Kailangan ko marinig to galing sa kanya mismo.

"Ana.."

"Sagutin mo ako." Please. Sumagot ka.

"Girlfriend kita Ana."

"At sino si Bebang sayo?"

Hindi sumagot si Hans. Natahimik siya ng ilang segundo.

"Sagutin mo ako! Sino si Bebang para sayo? Espesyal ba siya? Importante ba siya-"

"OO! IMPORTANTE SIYA SA AKIN. IMPORTANTE SIYA DAHIL TINUTULUNGAN NYA AKO PARA MAGING MASAYA KA! LAHAT NG MGA TULA, BULAKLAK, CHOCOLATES.. Lahat yan.. Sa kanya ko kinukuha lahat ng ideang yan! Lahat ng mga sinasabi ko sayo, nirerehearse ko kasama siya para di ako pumalpak! Dahil ayokong pumalpak sa harap mo! D-Dahil.. Dahil mahal kita.."

Natulala ako sa mga narinig ko. Si Hans.. sobrang mahal niya ako.

Kitang kita ko ang pagtulo ng mga luha ni Hans, umagos ito hanggang sa bigote niya.

Nilapitan ko siya at niyakap. "Sorry. Sorry kung naghinala ako. Sorry.."

Hinawakan ko ang mga pisngi ni Hans at dahan dahang pinunasan ang luha niya.

Hinding hindi ko iiwan ang taong 'to.

~

ANG TOTOONG PANGYAYARI SA LIBRARY

Kasalukuyang nagprapractice si Bebang at Hans ng mga linya para sa date ni Hans at Ana.

"Thank you ng madami sa binigay mong chocolates", bigkas ni Bebang.

Ang totoo, hindi ganito umakto si Ana, kaya medyo naiilang din si Hans. Pero wala siyang choice, si Bebang lang ang pumapayag na makipag-practice sa kanya. Pero syempre, may kapalit.

"Walang anuman. K-Kahit anong gusto mo, sa abot ng aking makakaya, ibibigay ko sayo.. D-Dahil.. M-M.. M-Mahal.. M-Mahal k-kita."

Nauutal na naman si Hans. Hindi rin alam kung paano siya nagkagusto kay Ana. Ni hindi niya alan kung saan niya nakuha ang lakas para magtapat sa kanya noon.

Inalala ni Hans lahat ng alaala nila ni Ana. Huminga ito ng malalim at nagsalita na muli.

"M-Mahal kita....

Bebang..

Bebang? Bebang!"

At nakatulog nga ang dalaga kaya ginigising ito ni Hans.

"Bebang, gising!"

~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 03, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Bigote LoveWhere stories live. Discover now