Malubhang Karamdaman

11 0 0
                                    

MALUBHANG KARAMDAMAN

Lahat tayo may kanya kanyang karamdaman na, kahit walang sintomas, ay nararamdaman pa rin natin sa ating mga sarili.

May iba't ibang klase ng bigote. Pero para sa akin, maganda ang lahat ng mga ito.

At ito ang sakit ko. Yes, madali ako maattract sa mga taong may bigote. Lahat ng nakarelasyon ko noon ay may bigote. Pero sa tuwing nawawala ang mga ito, nawawala na rin ang pagkagusto ko sa kanila. At kahit pa tumubo ulit ang mga ito, hindi na naibabalik pa ang nararamdaman ko.

Ito ang napakamalubhang karamdaman ko.

At ngayon nga ay may nag-confess na naman sa akin ng love love niya. Natouch ulit ako sa mga sinabi niya pang iba, pero alam kong maling sasagutin ko siya dahil lang sa cute ang bigote niya.

"Ano, Hans. Sorry. Pero may malala akong sakit."

Pagkasabi ko ng mga katagang yun, bahid sa mukha ni Hans ang pagkagulat.

"S-Sakit? Anong sakit mo, Juana?"

Hindi pa rin ako sanay na tawaging "Juana" (except sa Lolo't Lola ko). At hindi na rin ako papayag na may masaktan pa ako lalo dahil lang sa sakit ko.

"Basta. Di mo na kailangan pang malaman. Sorry, bye." At tuluyan na akong umalis.

Kailangan ko tong gawin. Ayokong ma-fall sa taong alam kong temporary ko lang makakasama.

AFTER 1 WEEK

"Girl, sure ka bang ayaw mo makipagkita?", si Xandra.

"Oo nga, Ana. Ang effort nung tao. Bigyan mo kaya ng chance?", si Gina.

Hays. Heto ulit kami ngayon sa library at nagbubulungan. Ang mga kaibigan ko, pinipilit akong bigyan ng chance si Hans.

Si Hans na maeffort. Si Hans na may gusto sa akin. Si Hans na may cute na bigote. Pinakacute sa lahat ng nakita ko.

Pero.. Ayoko siyang saktan. Kaya di pwede.

Kailangan ko siyang kausapin para matapos na to.

CAFETERIA

"Hans. Kailangan mo ng itigil to. Please." Pagkasabi ko, agad akong tumingin sa ibang direksyon. Ayoko kasing makita ang bigote niya. Baka kasi mapa-OO ako bigla.

"Juana.. Hindi ko kaya. Please. Bigyan mo ko ng chance. Give me one.. and last chance. Please."

Sinabi niya ang lahat ng yun habang gumagalaw ang bigote niya. Tila nag-slow mo ang lahat kasama na rin ang pagsasalita niya, kasama ang bigote niya.

Hindi.. Hindi pwede.. Juana! Tama na yung nakasakit ka ng madami dati! Hindi na pwedeng maulit ito. Tama na Juana. Matuto ka sa mga pagkakamali mo noon!

"Okay. Pumapayag na ako."

Ba't ba kasi ang cute ng bigote niya?

~

My Bigote LoveWhere stories live. Discover now