04

157 25 2
                                    

Hindi pa din mawala sa isipan ko yung lalaking tumawag sakin. Paano nya nalaman yung bago kong number? Sino ang nagbigay? Ang dami kong tanong sa isipan ko, na kahit isang walang sagot.

(Calling Ica)

Si Ica? Ano na namang kailangan nito? Wait! Hindi kaya sya ang nagbigay ng new number ko kay Ivan? Pero it's impossible, Shane hates Ivan because of what happened years ago. Sino? Di naman pwede sina Colleene, kasi ayaw din nila kay Ivan. Ang hirap naman.

"Ica, ikaw ba yung nagbigay ng number ko kay Ivan?"sigaw ko sa sakanya at sya naman ay biglang natahimik. Hindi kaya sya talaga? Pero impossible talaga eh.

"Thea, i'm sorry huhuhu. Di ko gustong ibigay kaso pinilit nya ako eh. Gusto nya rin daw kasing humingi ng sorry sayo dahil sa nangyari years ago. Thea, yun lang ang alam ko para bumalik ka na sa dati. I know, magagalit ka sa akin and kamumuhian mo ko pero Thea I think you need to forgive and forget" what the efff? Why? Ica? Why?

"Really Ica? Sino ka para pagsabihan ako? Kaibigan kita, OO! Pero di mo alam kung gaano kasakit yung ginawa nya. OO! THREE YEARS NA, AFTER THAT TRAGIC HAPPENED. OO! SOBRANG TAGAL NA. PERO ICA! MASAKIT PA DIN HANGGANG NGAYON! BANGUNGOT PA RIN SAKIN LAHAT NG NANGYARI! Araw araw kong kinamuhian sarili ko, araw araw kong sinisisi sarili ko dahil dun. Ica! Nawala sya sakin, hindi lang simpleng nawala, NAMATAY SYA ICA! DI NA SYA MABABALIK DAHIL SA AKIN!" At tuluyan na kong umiyak humagulgol dahil naalala ko na naman yung nangyari noon, dahil doon kinamuhian ako ng magulang ko! They hated me. Because I killed my own brother, yung kapatid kong walang kamuwang muwang sa mundo.

"Thea, alam ko yun. Hindi mo naman kasalanan eh. Yung nangyari noon? Hindi mo kasalanan. I know you hated yourself so much. Pero Thea! Hindi mo pinatay si Redge, aksidente yun! Thea, palayain mo na naman yung sarili mo wag mong ikulong habang buhay yang sarili mo sa nakaraan." Gusto ko Ica, kaso kahit anong gawin ko hindi ko magawa. Dahil alam ko sa sarili ko na kasalanan ko talaga yun. Kung hindi lang ako naging pabaya. Sana, sana hanggang ngayon nandito pa din sya.

"I can't Ica. Kahit gusto ko, hindi pwede. Dahil naka tadhana na sakin yun." At saka ko inoff ang call at tuluyan na naman akong umiyak. Kasalanan ko eh! Kung di ko lang talaga sinaman yung kapatid ko sa park noon, di sana mangyayari to.

"Ate, saan ka pupunta? Sama ako" ani Redge, bunso kong kapatid. Mahal na mahal ko yan.

"Sige Redge. Tara punta tayong park." Sabi ko kay Redge. At eto naman sya tuwang tuwa ang saya lang makita na sobrang saya ng kapatid mo.

"Redge, dahan dahan lang sa paglalaro ah? Bawal ka mapagod" sabi ko kay Redge. Oo bawal sya mapagod dahil may sakit sya sa puso. Sanggol palang sya nung malaman namin yun, kaya ingat na ingat sina mama kay Redge.

"Redge, wag kang lalayo ah? Bibili lang ng favorite ice cream mo si ate dyan ka lang?" Sabi ko kay Redge at tumango naman sya at ako'y dali daling pumunta sa nagtitinda at bumili ng 2 tig sampo. Pupunta na sana ako kay Redge ng bigla akong tawagin ni Ivan, close friend ko.

"Thea, mamayang 8pm alis tayo ah? Kasama sina Ica." Ani Ivan. Abat may nakakalimutan ata to ah? Di manlang ako ginreet, hmp! Baka may pasabog naman to haha.

"Osige. Susunduin mo ba ako? Lilibre mo ba ako? Hahaha" sabi ko kay Ivan.

"Osige, libre ko. Lagi naman eh haha." Aba loko to ah!

"Sus. Minsan nga lang eh hahaha. Btw, san ba tayo pupunta nun? Magpapaalam ako kina mommy."

"Sa bahay lang nina Freya, tska overnight yun" omooo! Bigla akong naexcited hihihi

"Osige, game ako"

"Uy yung ice cream mo tunaw na!" Hala! Si Redge. At nung magpapaalam na ko kay Ivan, bigla akong pinagpawisan ng matindi.

"Si Redge!" At dali dali kong iniwan si Ivan, at sa paglapit ko sa pwesto ni Redge ang daming tao nagkukumpulan at tumindig yung balahibo ko kasabay ng pag hagulgol ko sa sinabi nung matanda na.

"Tumawag kayo ng ambulansiya, humihina ang tibok ng bata" hindi ako makagalaw at tila naestatwa ako. Si Redge. "REDGEEEEEEEEEEEEEEEE!"

Dumating ang ambulansiya at dali dali nilang nilagay sa stretcher si Redge. God! Please, save my brother, Redge. I can't afford to lose him. Please. Dasal lang ako ng dasal habang nasa E.R si Redge. Dumating na din sina Mommy pati ang buong barkada. Habang ako umiiyak lang at kinagagalitan ni Mommy, I'm sorry mom I didn't know. I should've not left him.

Habang naghihintay kami sa labas ng ER biglang lumabas yung Doctor.

"Sino yung kamag-anak ng pasyente?" Tanong ni Doc at lahat kami nagsilapitan sakanya

"Nanay nya ho ako, Doc. Kamusta na ho sya? Maayos na po ba lagay nya?" Tanong ni mommy habang umiiyak sa Doctor.

"I'm sorry to say this but the patient didn't survive" parang echo sa akin yung sinabi ng doctor, paulit ulit hindi mawala sa isip ko.

"...but the patient didn't survive"

"...but the patient didn't survive"

"...but the patient didn't survive"

"NOOOOOOOO!!!! BUHAY SYA DIBA DOC? BUHAY SYA DIBA? DOCCCCC!" sigaw ni mommy sa Doctor habang umiiyak. At ako dito sa tabi humahagulgol ng sobra habang hindi nagssink in sakin lahat. Hindi sya pwede mawala.... hindi!

"Dadalhin na po namin sya sa morgue" ani doc. Why? God? Why? Bakit nyo sya agad kinuha? Bakit? Di ko maintindihan eh.

Lumapit sakin si Mommy at sabay sinampal ako ng napaka lakas.

"Ang lakas mo namang umiyak, samantalang ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay si Redge! Alam mo namang hindi pwede si Redge sa park pero dinala mo pa din. Anong klase kang kapatid, ha? Ha?" Sabi ni mommy sakin na may bahid na galit sa mukha.

"Mommy, i'm sorry. Mommy, di ko naman alam na mangyayari yun eh. Mommy, i'm ---" napatigil ako sa sasabihin ko dahil sinampal na naman nya ko.

"Sorry? Thea, sorry? Mababalik ba ng sorry mo yang si Redge? Huh thea? You're so careless. Get out of my sight." Mommy. "Mommy please. Mommy!"

And since that they I hated my self and hated my birthday, too. Why? Same date I bought Redge in park the day my birthday is. February 17, you're so lucky. Because of you, they left me they hated me so much.

She DiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon