CHAPTER ONE
“ANAK, gising na! Unang araw niyo sa eskwela, baka malate ka sa klase mo!”
Kinapa ni Joshua ang ibabaw ng cabinet upang hanapin ang kanyang salamin. Pagkakuha ay marahan siyang lumabas ng kanyang kwarto. Mapaghahalataan sa kanyang anyo ang diwa ng antok. Magkaganoon man ay tumungo pa rin siya sa hapag-kainan.
“Oh kain na hijo. Mainit pa ang mga iyan at siguradong masasarap,” ang ganyak ng kanyang ina.
Masasarap ang inihandang pagkain ng kanyang ina para sa kanya. Nalalanghap ni Joshua ang aroma ng pritong bacon at isang chicken soup para sa agahan. Kahit alam niya sa sarili niya na hindi niya mauubos ang mga ito, pinilit pa rin niyang kainin ang mga ito.
Almost 6 a.m. na at maaga pa para maligo siya. Gusto niya talagang maagang pumasok since ito na ang last school year niya para sa high school. He took a hot shower. June is a wet season for this year kaya naman all the time ay napakalamig. After 20 minutes, prepared na si Joshua for school.
Pagpasok ni Joshua sa gate ng paaralan, ay agad napansin niya ang mga napakaraming estudyanteng pumasok ng napakaaga. Actually, hindi naman ganoon kahirap ang pamilya ni Joshua, middle class kumbaga. Kung tutuusin ay kaya siyang pag-aralin ng kanyang ina sa isang private school subalit mas ninais niyang sa public school makipagsapalaran.
Hinanap niya ang kanyang pangalan sa master list na nakapaskil sa isang bulletin board kahit nagkakatulakan. Consistent naman siya sa pagiging star section dahil laging may honors siya at the end of every school year.
Masaya naman siya sa takbo ng kanyang araw. Naglalakad siya ng may ngiti sa labi nang…
“Shit!” ang naisigaw ni Joshua nang masalya siyang patumba ng isang babae. Pinakiramdaman niya ang mga galos na natamo sa braso at tila nagalit ng makita na may dugong unti- unting dumadaloy. “You’re such an idiot!”
The girl was stunned. Marahas niyang ibinangon ang binata. Wala itong pakialam sa pinsalang nakuha ng binata. Dali-dali naman itong tumakbo na tila may tinatakasan. Isang personalized key chain lang ang naiwang bakas ng babae na siya naman binulsa ni Joshua.
“AAH!” ang sigaw ni Eliza nang mapag-alaman niyang may nawawala sa kanyang gamit.
Awtomatikong nag-ikot si Eliza sa silid upang hanapin ang bagay na iyon. Ngunit nadismaya lamang siya habang tumatakbo ang oras dahil di niya Makita ang bagay na iyon.
Papalapit na si Joshua sa pintuan ng biglang narinig niya ang sigaw ng babae na animo’y nagbibigay sa kanya ng pagkainis. Tila nabibingi siya sa sigaw na kanyang naririnig. Sensitive kasi siya lalo na sa ingay.
“Nasaan na ang keychain ko?” sigaw ni Eliza na may halong lungkot at inis. “Nasaan na?”
Biglang sumagi sa isip ni Joshua ang babaeng nakabangga niya at ang napulot niya mula rito. “Psst! Psst! Weeper!” ang pauyam na tawag ni Joshua sa dalaga. “Is this what you’re looking for?”
Nanlaki ang mata ni Eliza nang makita niya ang keychain na hawak ng binata. Agad niya itong hinablot mula sa binata at natuwa. Tiningnan niya muli ito at sa pagkakataong ito ay binigyan niya ito ng matalas na tingin. “Siguro ninakaw mo ito?”
“Come on. Reality bites . . . no one will dare,” ang tugon ni Joshua sa babae.
“Ang yabang mo! Akala mo kung sino ka! Ano ba ang pinagmamalaki mo? Hitsura mo? If I know, sooner or later magiging missy ka naman!” ang pang-aasar ni Eliza sa binata.
“So you really think that it’s cool to annoy someone just for fun?” depensa ni Joshua. “We should end this talk, it’s useless to talk with you anyway.”
“Aba. . . ako si Eliza Marie Villareal ay gaganyan-ganyanin mo lamang?” ang sigaw niya na my halong galit.
Agad napukaw ang atensyon ni Joshua nang makitang namumula na ang kausap sa galit. “Fine, let’s get serious. Right now, we’re brawling. Since I’m considerate, I will take this chance to let you choose a slot in my life. A friend or a foe? Think,” ang mahinahong sabi niya sa dalaga. “It’s for your own sake, you know.”
Sino ka ba? Ang taas naman ng tiwala mo sa sarili mo. Napangiwi si Eliza.
DISCUSSION agad ang bumungad sa klase ng IV-Science Class. Masungit kasi ang kanilang class adviser at masyadong istrikto lalo na pagdating sa pagsunod ng kanyang lesson plan. Magreretire na kasi ito after this school year at nataong ang huling i-hahandle nito ay ang klase nila.
Transferree lang si Eliza. Almost every school year ay palipat-lipat ito ng school na pinapasukan dahil na rin sa work ng daddy niya. Branch manager ang kanyang ama sa isang sikat na bangko at sa tuwing may bagong branch na ipinapapatayo ay siya ang ina-aasign dito.
Habang nagkaklase ay tulala pa rin si Eliza. Nakatingin nga siya sa kanyang guro subalit lumilipad sa alapaap ang kanyang isip. Marahil, naninibago siya sa environment na kanyang ginagalawan sa ngayon. Isa pa, hindi niya akalain na magiging ganoon ang accommodation ng lalaking kanyang nakasagutan sa first day of her schooling.
First day of school, kailangang mag-enjoy. Huwag mo ng isipin ang cute este ang mokong na iyon! . . .sa loob-loob niya.
It is Advanced Physics time. Ang IV-SC ay pupunta sa laboratory upang doon gugulin ang oras para sa nasabing asignatura. Eliza is making her way to the destination quickly. Suddenly, she slipped. Her new buddy, Janet gave her a hand. Eliza thanked her. Sa isang tabi, hindi niya namalayan na papalapit na sa kanila si Joshua.
Ikinundisyon na ni Eliza ang kanyang sarili na hindi pasisindak sa lalaking iyon. Gayunpaman, hindi pa ring maiwasan ang pagsagi sa kanyang isipan ang tungkol sa nangyari. Kasangkot ang taong iyon --- iyong bangayan nilang parang aso’t pusa --- ang dahilan ng pagkainis niya rito.
He nodded briefly. Wala siyang makitang emosyong namamayani sa binata. Tila walang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Eliza paused to reflect on the best method of dealing with this guy. But suddenly, umalis na ang lalaki palayo at ni hindi man lang siya kinausap.
CLASSES are over ngunit si Eliza ay hindi pa rin matinag sa pagkakaupo. Natatakot kasi siyang makasalubong ang binata although her mind is set na hindi siya pasisindak rito. Alam niyang aalis din ang binata sa room kaya pauunahin na niya ito dahil na rin ayaw niya na mag-clash ulit sila. Ngunit kahit anong libang niya sa sarili, namamayani pa rin sa kanyang isipan ang alaalang inwan sa kanya ng binata.
Are you losing your mind Eliza? Bakit mo siya pag-aaksayahan ng oras? Ganoon ba siya ka-importante?
Naguguluhan siya sa kanyang sarili. Kilalang-kilala naman niya ang buo niyang pagkatao. Ngunit ngayon lamang siya nakaramdam ng unusual feelings despite the fact na ayaw niya sa binata.
“Aah!” sigaw ni Eliza as if she is in the top of a mountain at gustong maglabas ng sama ng loob.
“She is weird, no I think she’s lunatic,” ang bulungan ng mga kaklase niyang napawi ang atensyon dahil sa pagsigaw niya.
Nagulat si Eliza ng makita niya ang kanyang mga kaklase na nagbubulungan. Actually, wala naman siyang pakialam sa mga ito. But then her body moved by such unknown force. . . making her to look around and search for that guy. Laking pasasalamat niya sa kalangitan ng mapag-alaman na wala na ito.
Anong tinitingin-tingin niyo? Buti na lamang at kaya pang timpiin ni Eliza ang kanyang inis. Ayaw rin naman niyang magkaroon ng record sa guidance office ng misconduct.
She stand with her chin up. Hawak ang bag ay naglakad siya ng normal palabas ng silid ng parang walang nangyari.
*********************************************************************************************************
Just keep on reading guys ha. Tnx.:)
BINABASA MO ANG
Getting to Know Each Other
Fiksi RemajaLet us find out how a simple getting to know each other would turn two different lives upside down. Salamat po sa lahat ng magbabasa. :) -jm alipio