CHAPTER TWO
NAKATALUNGKO si Eliza sa kanyang armchair nang lapitan siya ni Janet. Tulad ng mga nakaraang araw, tulala siya at tila malayo ang nararating ng kanyang isip.
“Uy day dreaming ha ... share naman kung ano naman ang pinagpapantasyahan mo diyan,” ang pagpukaw ni Janet sa atensyon ng kaibigan.
Walang ibang naitugon si Eliza sa puna ng kaibigan kundi kunot ng noo at malalim na buntong-hininga. Tila isa lamang itong palipad-hangin kaya hindi niya ito masyadong namalayan.
“Lalim naman nun.”
“Bakit ganoon ano?” ang sambit ni Eliza na tila nalilito kung ano ang isusunod niya sa mga katagang kanyang binitawan.
“Anong bakit ganoon?” ang pagtataka ni Janet sa sinabi ng kaibigan.
“Ah kasi ilang weeks na rin tayong magkakasama pero parang di tayo magkakakilala. I’m talking for the whole section ha.”
“Loka! Magkakakilala na kami. Baka ikaw kasi transferee ka. Sa loob ng apat na taon, parehong pagmumukha ang mga nagiging magkakaklase. Ay sus! Sawang-sawa na ako.”
“Meron naman ding tulad ko ah. Iyong parang o.p. sa class.”
BINABASA MO ANG
Getting to Know Each Other
Fiksi RemajaLet us find out how a simple getting to know each other would turn two different lives upside down. Salamat po sa lahat ng magbabasa. :) -jm alipio