Nandito na ako ngayon sa bahay namin. Nanonood lang ako ng tv dito sa kwarto ko nang biglang tumunog yung safe and sound ni taylor swift. “ ay palaka ! ” yan na ang nasabi ko dahil sa gulat.
“ hello? Sino to? ” number lang kasi yung nakalagay kaya ibig sabihin di naka-save sa phone ko yung number so hindi ko ito kilala.
( hindi ba dapat ako ang magtanong sayo nyan! ) sabi nung tumawag.
“ haha sira ka din no! ikaw itong tumawag tapos ako yung tatanungin mo kung sino ako. ” pinindot ko na yung end button. Kaso kumata na naman si taylor swift. Well, ang benta ng cellphone ko ngayon ah.
Pagtingin ko dun sa screen, yung unknown number na naman.
“ kung sino ka man, wala akong pakialam kung walang kang mapagsayangan ng oras at load mo. Kaya pwede ba, tigilan mo ko ah. ”
( AT SINONG MAY SABI SAYONG TRIP KONG UBUSIN YUNG LOAD KO PARA SAYO! SINO KA BA KASING CAYIN KA ! ANO BANG KELANGAN MO ? HINDI MO BA ALAM NA NANG DAHIL SA PAGTAWAG MO KANINA EH NAKIPAG-BREAK SA AKIN SI YANNA ! )
Natakot naman ako dahil galit yung boses nya. Kinutuban na ako. “ t-teka? S-sino ba ito? ” medyo nag-stutter pa nga ako dahil nga kinakabahan ako.
( well, ako lang naman yung tinawagan mo kanina at inakalang ako si Francis ) medyo normal na yung tono nya, hindi na masyadong galit.
“ ha? Ah sorry nga pala ulit sa nangyari kanina eh hindi ko naman sinasadya eh. Yung barkada ko kasi yung nagbigay nung number eh nagkamali--- “
( wala akong pakialam sa mga reasons mo. ) bigla nya na lang pinutol yung sinasabi ko.
(At dahil may kasalan ka sakin, gagawin mo yung iuutos ko! )
“ HA ?! ANG KAPAL MO DIN EH NO ? SINABI KO NA NGANG HINDI KO YUN SINASADYA. NAG-SORRY NA NGA KO DI BA? ANO PA BANG KELANGAN MO! ”
( bukas ng 4:30 sa harap ng Mount Royal University. Kapag ikaw hindi pumunta, humanda ka sa akin) at nag-end na yung call.
Kinabukasan, normal lang yung nangyari. Ganun pa din yung set up sa school and as usual boring pa din. Nakakainis nga eh kasi hindi pumasok yung prof naming sa sociology, wag kayong maingay ah, crush ko kasi yun hahaha ^_^
4pm pa lang nasa bus na ako kasi maagang nag-dismiss yung prof namin sa Literature. Ayun 5:30 nasa bahay na ako. Ang traffic kasi kaya medyo natagalan dapat mga 45-60 minutes lang ang biyahe eh. Naalala ko yung sabi ni “francis” hindi ko kasi alam name nya kaya francis na lang since si francis naman yung main reason kung bakit ako tumawag in the first place. Winalang bahala ko na lang yung dapat na pagkikita namin so ginawa ko na yung ritual ko kapag dumadating ng bahay. Naglinis ako ng katawan at nagpalit ng damit. Then nagsaing na ako since mas maaga ako dumating kay mommy para naman makatulong kahit papaano. Well, ganoon talaga kapag mabait na anak haha pero secret lang ulit natin ah, hindi kasi ako sanay magluto at ang tanging alam ko lang eh magsaing since nadiskubre na naming yung rice cooker hahaha
9pm na. Nakakain na din kami ng dinner at eto nagbabasa ko ng hunger games nang biglang kumanta ng safe and sound si taylor swift. Ayon, napangiti ako kasi sakto ba naman eh, hunger games tapos may background music pa na safe and sound kaya hindi ko muna sinagot nag-soundtrip muna ako at after ng mahaba-habang soundtrip sinagot ko na after nung chorus pero hindi ko na inabala yung sarili ko na tignan kung sino yung caller.
( HOY CAYIN BAKIT HINDI KA NAGPUNTA SA MOUNT ROYAL KANINA? ) patay! Si “francis” pala.
“ BAKIT MAY SINABI BA AKONG PUPUNTA AKO?! ) ginaya ko din yung galit nyang tono.
( KAHIT NA! KAPAG SINABI KONG PUMUNTA KA, PUMUNTA KA! )
“ BAKIT AKO PUPUNTA?! SINO KA BA! ”
( MAY ATRASO KA SA AKIN KAYA PAGSINABI KO PUMUNTA KA! SA MONDAY 4:30 SA MOUNT ROYAL ULIT. KAPAG HINDI KA PUMUNTA, HUMANDA KA TALAGA SA AKIN! ) at narinig ko na ang mahiwagang toot-toot-toot meaning binaba nya na yung phone.
BINABASA MO ANG
WRONG NUMBER + THAT GUY NEXT DOOR
Teen Fictionthis story of Cayin begins when she made a phone call to her friend but suddenly dialed a wrong number. find out how this phone call made a big part of her life ! or i should say, was once a part of her life. but every ending has it's new beginning !