II. ang kapitbahay ko !

133 4 0
                                    

II.

“ hmm. Hello po ^_^ ” –Juju

“ hi girls! sino kelangan nila? ” –lalaki ( QUESTION MARK !!!!! )

“ ha ?! ah eh ”

“ ih oh uh. Hahahaha ah taga-dyan kami sa kabila, eh manghihingi lang sana kami ng hmm ano! ” –Juju (sabay tingin sa mug)

“Ah kaya pala nagdala ng mug ang loko.

“ tama. Manghihingi lang sana kami ng mainit na tubig ”

“ ah ganoon ba mga teh? Ay wait lang ah tatawagin ko lang yung may-ari ng bahay. Oy! Vaughn, halika nga dito. May bisita ka. Hindi mo sinasabi na may kapitbahay ka pa lang magaganda hahahaha ” –kuya/ate (hahahaha naguguluhan ako kung ate o kuya eh)

 “ sinong bisita? Wala akong bisita! At saka kelan ka pa nahilig sa mga babae? Sino ba yan! ” –isa pang lalaki (Siya siguro yung Vaughn.)

Hala ! mukang may something fishy dito ah Lol.

Nakalabas na yung Vaughn. And OwEmJi! Ang gwapo nya.

“ hoy RAFAEL sino ba yang mga yan! ” –Vaughn

Wala na pala kong sinabing gwapo sya. Grabe ang yabang grrr

“ tse! Ewan ko sayo Vaughn. Oy tara pasok kayo girls. Ako nga pala si Rafa at yang may-ari ng bahay, pinsan ko si Michael Vaughn. ” –Rafa

Ah sabi ko nga magpinsan kayo. Rafa pala yung name ni kuya/ate. At yung gwapo, este si Michael Vaughn, hmm ang gwapo ng pangalan ah hihihi

At eto na kami sa sala nila. At yung Vaughn, ayun nagtago sa may kwarto.

“ ah ako nga pala si Caroline. Cayin na lang, dyan lang kami nakatira sa kabila. ”

“ Ako naman si Justine, but I prefer Juju, magkasama kaming nakatira dyan sa kabila ” –Juju

“ ah ako naman, bisita lang dito. Di ako dito nakatira. Nanggugulo lang ako dito ngayon sa pinsan ko hahahaha nga pala, san kayo nag-aaral?”

“ ah dyan lang sa Mount Royal. I'm taking up my masteral degree. Si cayin naman nasa Law school. Kayo ba? ” –Juju

“ WOW! Ang taray, Masteral ang Law School. Hahaha ako naman, nagte-train na ako ng mga student, I'm a part-time professor. Kaka-graduate ko lang last year, Theatre Arts ang kinuha ko.  Ay nga pala yung hot water nyo, tara kunin na natin. ” –rafa

 “ ay oo nga pala. Sige sige salamat ”

---

Saturday na ngayon. Tuesday, last week nung nakilala namin sila Rafa. Ang bait bait nya. Close na nga kami eh at sabi nya hindi daw sya bading, babae daw sya hahahaha. Joke lang, lalaki daw sya pero sa ngayon, naguguluhan lang sya. Yung pinsan nya naman, ayun buhay pa naman pero simula nung Monday hindi ko na ulit nakita, busy kasi sa school eh. Alam nyo na, since 1st month pa lang ng 2nd Semester , so nag-aaral-aralan muna ang sambayanang people.

Pero nandito kami ngayon sa bahay, nagkayayaan na mag-lunch dito sa bahay kasi nandyan si Rafa sa bahay ni Vaughn.

“ guys, anong gusto nyong kainin? ”

“ hmm feel ko mag-caldereta ngayon. ” –Rafa

Nauubo naman ako bigla dun sa sinabi ni Rafa.

“ CALDERETA ! O.o ”

“ hahahaha kayang- kaya yan ni Cayin! Go Cayin ” –Juju

“ ha? Alam mo namang fried foods lang ang bestfriends ko eh hahaha ”

“ ay ganoon? Hindi mo kaya! Ah! Alam ko na! oy pinsan luto ka naman ng Caldereta! ” –Rafa

“ oh marunong ka magluto Vaughn? ” –Juju

“ Nag-take sya ng culinary dati nung hindi pa nya alam ang gusto nyang gawin sa buhay nya." - Rafa

“ ANO! SI VAUGHN MARUNONG MAGLUTO?! ”

Patay! Bakit ko ba nasabisabi ng malakas? Dapat sa isip lang yun eh. Nanggagalaiti na yung mukha nung gwapo  o.O

“ well, watch and learn Cayin ” –Vaughn

At yun nga, nagluto na ang loko. At impernes, ang sarap. Ang sarap nung sauce! Hmm YumYumYum!

“ so, convinced?! ” –Vaughn

“ hmm. Pwede na! ”

“ hahahaha pwede na? eh muntik mo na nga kaming ubusan eh hahahahaha ” –Vaughn

“ tse! Oo na sige na masarap na. syempre nag-take ka ng culinary lessons so malamang Forte mo yan. ”

“ hoy Rafa, maghugas ka ng plato. ” –Vaughn

“ ha’ay pang-hugasin lang ba ang beauty ko? ” –Rafa

--

Andito na ako sa kwarto ko, medyo nakilala ko na si Vaughn, mabait naman pala sya pero medyo suplado. Pero sabi naman ni Rafa, ganoon lang daw talaga si Vaughn, tahimik pero pagdumaldal, wagas! Pero feeling ko, mas gusto ko pa syang makilala. Kasi alam nyo yun, mukang ang sarap nyang maging ka-close. May something sakanya na parang gusto mong malaman basta yun nay un.

Pero bukas ko na sya poproblemahin dahil kelangan ko ng matulog may recitation daw sa Obligations and Contracts, kaya bawal ma-late!

GOODNIGHT !

itutuloy . . .

LOVE! LOVE! LOVE !

          smile :)

WRONG NUMBER + THAT GUY NEXT DOORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon