III. sinong may birthday ?

161 5 1
                                    

III.

KRING! KRING! KRING!

 " Uy! may tumatawag. "

"hello . Juju, oh bakit? "

( ano kasi, mauna ka ng kumaen kasi may tinatapos pa kaming group work dito sa school )

" ah sige sige. pero susunod ka ba dito? "

( hindi na siguro, pakibili na lang ako ng friction pen sa national bookstore kasi paubos na yung tinta nitong ballpen ko )

" ah okay. sige sige kitakits na lang sa bahay ah. dyan ka na lang sa school kumain kasi baka mag-enjoy ako sa pag-so-solo flight dito sa mall. "

( hahaha nangonsensya ka pa talaga ah. ge bye na. nagagalit na tong mga ka-group ko. ingat )

" okay, bye! "

Nandito kasi ko sa mall ngayon. ang usapan kasi namin ni Juju, susunod sya dito after ng klase nya. Since maaga uwian ko ngayon, naisipan kong magpalamig at magliwaliw :)

at nandito ko ngayon sa booksale. May hinahanap kasi akong libro. Sabi kasi nung kaklase ko, maganda daw yung FBI/US Attorney Series, so binasa ko. eh kaso yung Something About You, 1st book pa lang yung nababasa ko eh nasa hiraman pa pala yung mga kasunod, so naghahanap ako nung mga kasunod na series.

eh kaso malas, wala akong makita dito sa booksale.  Excited pa naman ako sa susunod na book.    ha'ay hihintayin ko na nga lang matapos yung nagbabasa.

so makapunta muna sa national bookstore, mabili muna yung pinapabili ni Juju.

" Wow! ang ganda nung teddy bear! <3 " nadaanan ko kasi itong Blue Magic.

so pasok muna ko.

ang ganda talaga nung pink na teddy bear.

hindi ako kagaya nung iba na mahilig sa pink, pero kasi ang ganda talaga nung shade ng pink nung teddy. at saka mahilig talaga ako sa mga teddy bear. ang cute cute kasi talaga nila!

wait, matignan nga yung presyo.

" uy! " -lalaki

" ay! " susmarya, nagulat ako. sino ba tong nanggugulat, kinalabit pa ako.

" uy! " -Vaughn

" uy! " sus! si Vaughn pala.

medyo close na kami nyan, since super friendly ni rafa, pati yata yang si Vaughn nahahawa na. Madalas na silang napasyal sa apartment namin ni Juju. minsan naman, kami ni Juju yung napasyal sa kanila. kaya kahit papaano, nagkakausap kami. at sa super sweet namin, ganyan kami mag-usap ' UY! ' lagi ang bungad hahaha.

" uy! Cayin, kamusta na? " -Vaughn

" eto okay lang, napadaan lang dito sa Blue Magic, na-cute-an lang kasi ko dito sa teddy bear eh hehehe ikaw anong giniagawa mo dito? "

" ah kasi merong may birthday, reregaluhan ko sana. " -Vaughn

" ah okay. ano bang ireregalo mo sakanya? gusto mo tulungan na kita? "

" talaga? salamat ah. medyo sablay kasi ako sa pagpili ng regalo eh hehehe " -Vaughn

" tara, ano ba ibibgay mo? "

" ah mahilig kasi yun sa teddy bear eh. and then pink yung favorite nya. " -Vaughn

" ah madali lang yan, madami naman ditong pink na teddys eh "

" ikaw? mukang mahilig ka din sa teddy bear ah, ang cute nga nung hawak mo kanina " -Vaughn

" ah oo, medyo mahilig ako sa teddy bears :) hmm, ayun oh! ang cute nung teddy bear! " may nakita kasi akong teddy bear na pink na may white na super cute at medyo malaki at paniguradong mahal.

WRONG NUMBER + THAT GUY NEXT DOORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon