dedicated sa kanya kasi sya yung nag-request na ituloy ko yung WRONG NUMBER..
so sana magustuhan nyo :)
salamat sa mga magbabasa , mag-vote, mag-like, magcomment, at maglalagay sa reading list :)
ENJOY READING :)
so here it goes..
-----
I.
" Cause if one day you wake up and find that you're missing me
And your heart starts to wonder where on this earth I could be
Thinkin maybe you'll come back here to the place that we'd meet
And you'll see me waiting for you on the corner of the street
So I'm not moving, I'm not moving "
" saan yung kumakanta? " -Angelica
" dito nanggagaling eh " -Pot ( sabay turo dun sa katabi ng apartment ni Cayin )
" sino nakatira dyan? Ang ganda nung boses ah talong-talo yung ibang tao dyan. Hahahahaha " -Angel
" ang kapal mo. Ang ganda kaya ng boses ko. FYI 98 lagi ako sa videoke no! " -Pot
" hahahaha eh palakasan lang naman ng boses ang laban sa videoke eh kahit nga wala ka sa tono basta pasigaw yung boses mo, 90+ na yung score mo eh hahahahaha "
" nice one Cayin! " -Angel
" hahaha nagsalita ang magaling kumanta " -Pot
" tse! Dancer ako! Hahahaha "
" hahahaha sabi ko nga eh " -Pot
" oh siya, sige na. salamat sa paghatid! Ingat kayo sa pag-uwi. "
" sige bye bye Cayin. Text text na lang " -Angelica
" uy Pot ingatan mo yang si Angel. "
" naman! Hahaha sige bye bye na " -Pot
" Sige na. ingat kayo. Babayoo! "
Ha'ay grabe nakakapagod ang araw na ito! Ewan nga kung bakit ako napagod eh samantalang wala naman masyado ginawa.
Absent yung Legal Technique and Logic tapos sa Obligations And Contracts, kering-keri naman dahil na-take-up ko na yon nung BSA pa ko.
Hmm presto! Alam ko na! May Criminal Law, sa sobrang exciting nung subject, naubos yung energy ko! Pero masaya naman kahit nakakapagod. J
Anyways, na-miss nyo ba ako?
At panigurado nagtataka kayo kung bakit ganoon yung mga subject ko? Ganito kasi yun, ang huling balita nyo sa akin ay 2 years ago. Bali, 2 years ago, nag-take ako ng Board Exam noon at awa ng Diyos pumasa naman. Nagtrabaho ako ng konti, nag-iipon para matupad ko ang pangarap kong maging abogado. Kaya eto, nag-aral ulit. Part-time student, part-time worker ako ngayon. May maliit na accounting firm na kumuha sakin last year afte kong pumasa. Nasa Law school na ako ngayon. 1st year na ako and guess what, sa Mount Royal lang naman ako nag-aaral.
At sino ang kaisaisahang kilala kong nag-aral dito?
Secret!
Hahahaha sino pa ba?
Edi ang magaling na si SYDNEY GUTIERREZ !
Well, saka ko na sya iisipin, ang importante ngayon ay kelangan ko nang magluto dahil nag-iiba ang ugali ni Juju kapag nagugutom. Speaking of Juju, nandyan na sya.
" Hi Juju. Gutom ka na? "
" hmm. Hindi pa naman bakit? " -Juju
" ah eh hindi pa kasi ako nakakapagluto eh hahaha "
" ah kaya pala eh hahaha okay lang hindi pa naman ako gutom eh " -Juju
" ah buti naman. "
Nga pala, sya si Justine Bautista. Bago kong friend. Nakilala ko sya noong grumaduate ako. May common friend kami. Ka-batch ko sya pero ang kinukuha nya is Masters in Business Administration then napagkasunduang tumira sa isang apartment since parehas kaming taga-malayo sa school.
"ay Juju, kilala mo ba yung kapitbahay natin dyan sa kabila? "
" sino? Si Mrs Belmonte? " -Juju
" sira hindi iyon. Yung nandito sa kanan. Narinig kasi namin kanina nila Pot na kumakanta, ang ganda nung boses girl! Kumakanta ng The Man Who Can't Be Moved. "
" talaga? Hindi ko alam kung sino yung nakatira dyan eh pero ang alam ko taga Mount Royal din yan. " -Juju
" oh? Talaga?never ko pa kasi nakita yan eh hahaha ang tagal na din natin dito, ni hindi man lang natin naisip na may nag-eexist pala dyan no hahaha "
" uy Cayin! Tara tignan natin hahaha " -Juju
" nye! Eh paano naman? "
" tara samahan mo ko! Watch and learn " -Juju
" hahahaha baliw! Paano? "
" basta. Ay wait! Kukuha lang ako ng mug " -Juju
" mug? Aanhin mo? " ayan nga, nakakuha na sya ng mug. Ano na naman kaya ang plano ng babaeng to hahaha
" gorabels na tayo girl! " -Juju
" aanhin mo yung mug? Pupukpukin mo sa ulo? Hahahaha siguraduhin mo lang na di tayo mapapahamak dyan ha "
" sira! Basta tignan mo na lang! I can't wait to see and know who's that guy next door! " -Juju
At nagpunta na nga kami sa kabilang apartment. At kumatok na si Juju.
" Sino itey? Wait lang mga teh ! " -sabi nung guy pero parang may mali sa language at boses nya.
Then bigla nang bumukas yung pinto!
And presto, hindi pala sya isang guy! At isa lang ang masasabi ko,
CURIOSITY REALLY KILLS THE CAT !!!
itutuloy . . .
LOVE ! LOVE ! LOVE !
smile ! :)
BINABASA MO ANG
WRONG NUMBER + THAT GUY NEXT DOOR
Teen Fictionthis story of Cayin begins when she made a phone call to her friend but suddenly dialed a wrong number. find out how this phone call made a big part of her life ! or i should say, was once a part of her life. but every ending has it's new beginning !