Prologue

16.3K 350 40
                                    


Demon King Series: The Badboy's Angel

Unstoppable.

Stubborn.

Heart Wrecker.

Rule Breaker.


Pero nagbago ang lahat ng makilala ko siya. I met her in the car accident, gusto ko siyang iwan noon pero hindi ko magawa dahil sobrang naawa ako, natakot ako..

"Daddy! Daddy!" Sambit niya habang umiiyak, hawak ko ang hita nitong nasugatan. Agad kong pinunit yung damit ko at iyon ang ginamit kong pangbenda sa sugat nito. Iyon ang unang pagkakataong natakot ako.. parang yung takot na nawala yung papa ko at iyon din ang unang pagkakataong tumibok ang puso ko.

Agad kong ni-dial ang isang private pilot ko upang sunduin kami ng eroplano dito mismo sa pinangyarihan ng aksidente dahil gusto ko siyang dalhin sa pinakamagaling na doctor. Halos ilang minuto lang kaming naghintay, binuhat ko siya palabas ng bus.

"Sir, Ok lang ba kayo?" Tanong nung medic na kasama nung private pilot na tinawagan ko.

"Ok lang ako, kailangan natin siyang dalhin sa hospital dahil baka mawalan siya ng dugo" sabi ko. Agad naman niya akong tinulungan. Wala pang 30 mins nakarating na kami sa maynila. Dinala ko siya sa private hospital namin.

Hindi ako mapakali dahil takot na takot ako hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman yun isa lang naman siyang ordinaryong tao na hindi ko kilala, pero nung naalala ko yung boses niya na binabanggit ang Daddy niya doon na ako nagkaroon ng kutob na baka mga mayaman siya.. pero parang hindi eh..

"Tito, kamusta na po siya?" Nanginginig na tanong ko kay Tito Dax, siya ang private doctor ko.

"Ok na siya, Leandrei. Wag kang mag-aalala stable na ang kondisyon niya" sabi ni Tito, parang natanggalan ako ng tinik sa lalamunan ng sabihin niya yun. "Sino ba yun? Bakit sobrang takot na takot ka yata. Kilala kita, Hijo! kailan man hindi natakot ng ganyan" sabi ulit ni Tito Dax.. napaupo ako, hindi ko alam ang isasagot ko.

"Hindi ko po alam, Tito eh. Hindi ko naman ma-kontrol ang sarili kong wag mag-alala sa kanya" sabi ko, ngumiti lang siya.

"Wag ka ng mag-alala ngayon. Ok na siya" sabi niya..

"Tito, pwede ko ba siyang iuwi kasi baka malaman ni Valerie ito"

"Pwede naman. Isasama ko sayo yung magaling na nurse para mayag-asikaso sa kanya" sabi niya, tumango nalang ako.

At doon na nagbago ang lahat, ang akala ko magiging miserable ang buhay ko kapag pinatira ko siya sa bahay pero hindi, sa kanya ako natutong maging totoong tao. Ayoko sa ugali niyang sobrang ingay at makapanakit pero unti-unti din akong nasanay hanggang sa nagustuhan ko na siya. Pero wala akong lakas ng loob na aminin dahil alam kong hindi naman ako yung lalaking pinangarap niya. Iba. Hindi yung kagaya kong palaging sangkot sa gulo.. iniwasan ko para sa kanya pero sa tuwing nakikita ko siyang nasasaktan hindi kaya ng konsensiya kong panoorin siya kasi mahal ko siya.

Ito ang unang pagkakataong nagmahal ako kaya paninidigan ko ito. Hindi ako magsasawa mahalin siya kahit pa iba na siya ngayon, Oo. Alam kong hindi rin siya ordinaryong babae pero mahal ko siya paninidigan ko iyon kahit ikamatay ko pa.

Ako si Aider Leandrei isang Bad Boy na sinubukang magbago dahil sa pag-ibig. Hayaan niyong iparamdam ko kung paano umibig ang isang kagaya ko sa babaeng minamahal ko.

--

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

--

Napunta ako sa buhay na hindi ko alam kung kailan ko matatakasan at sa taong hindi ko alam kung kailan ko makakayanang iwanan. Nung una akala ko isa lamang siyang ordinaryong tao pero nung tumagal mas lalo ko siyang nakilala, Oo. Hindi siya ordinaryo, isa siyang makapangyarihang tao, basagulero, kinatatakutan at higit sa lahat isa siyang King Superior. Lahat sila takot sa kanya pero kahit ganun hindi ko magawang matakot dahil para sakin siya ang pinakamabait at pinakagwapong nilalang na nakilala ko.

Hanggang sa unti-unti ko na siyang minamahal, kahit alam kong hindi pwede  dahil alam kong hindi ako ang babaeng para sa kanya, may iba. Sinubok ako ng tadhana dahil sa pagmamahal ko sa kanya, lalo na nung nalaman ko na ang isang palabas ay magiging totoo. Magbabago ang lahat pero ang pagmamahal ko sa kanya kahit kailan hindi magbabago. Mahal ko siya at iyon ang paninindigan ko.

I am Cadla Avarielle Cordovez and I am The Bad Boys Angel.

I am Cadla Avarielle Cordovez and I am The Bad Boys Angel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

--

Hi Guys. Hope you'll like my new story. Thank You so much for the support, babies. I Love You Guys! Mwaah <3.

GrayMaiden96 <3..


The Bad Boy's AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon