Chapter 7: Meeting Mrs. DeFalco.

1.5K 53 11
                                    


#Unedited

******

Cadla Avarielle's POV.

Buong araw akong naghintay sa bahay kay Leandrei. Nakakainip! Kahit papaano parang namimiss ko presensiya niya. Wala naman akong ibang gawin dito sa bahay dahil tapos na akong naglinis kanina pa. Hindi naman ako pwedeng lumabas dahil kabilin-bilinan nitong huwag akong lalabas. Maya-maya ay narinig ko ang door bell kaya agad akong tumayo at tinignan iyon mula sa maliit na butas ng pinto pero nalungkot ako ng hindi si Leandrei yung nakita ko. Isang babaeng naka-bussiness suit, hindi ko siya kilala kaya hindi ko nalang pinagbuksan. Bumalik ako sa sofa. Ilang sandali pa ay nagpasya akong sumilip muli sa may pinto pero nakita kong nakatayo parin yung babae doon. Ano kayang kailangan niya? Mukha namang kagalang-galang at matalino base sa mukha nito kaya napagdesisyunan kong buksan nalang yung pinto dahil naawa ako sa kanya. Ngumiti agad ito ng makita ako.

"Hi. I'm Karen Perez, the secretary of Mrs. DeFalco" nakangiting wika niya at nilahad nito ang kamay. Nagulat naman ako ng sabihin niyang sekretarya siya ni Mrs. DeFalco.

"I'm Cadla Avarielle po" sagot ko naman tapos nakipag-shake hands ako." Ano pong kailangan niyo? Wala po si Leandrei dito eh" sabi ko sa babae. Ngumiti lang ulit siya, she's really beautiful, slender woman and halata mo talagang matalino siya dahil nakikita ito sa mukha niya.

"No! I'm not looking for Sir Leandrei. Actually, ikaw talaga ang sadya ko dito because Mrs. DeFalco wants to talk to you" sabi niya. Napakunot noo ako sa sinabi nito.

"Bakit po? Ano pong kailangan ni Mrs. DeFalco sakin?" Tanong ko.

"Hindi ko alam eh, basta ang sabi niya gusto ka lang daw niyang makausap. Sumama ka samin. Huwag kang mag-alala kami din ang maghahatid sayo dito mamaya" Wika nung babae. Nag-dalawang isip ako baka budul-budul gang to, uso pa man din sa maynila ang ganun.

"Don't worry! Hindi kami ganun kagaya ng iniisip mo" sabi nito na parang nabasa talaga yung laman ng utak ko.

"Sige po" magalang na wika ko, binuksan na nito ang sasakyan niya tapos pumasok na ako.

Kinakabahan ako sa pagharap kay Mrs. DeFalco dahil baka kung anong sabihin nito sakin. Nakakatakot pa naman siya pero sa kabila ng takot ko naging positive parin ako na sana maganda yung sasabihin niya sakin. Sunud-sunod ang paghugot ko ng malalim na hininga habang nasa elevator na kami nung sekretarya niya.

"Ok ka lang? Huwag kang kabahan, hindi naman ganun kasungit si Mrs. DeFalco, maliban nalang kung bad mood siya at kapag nababalitaan nitong sangkot sa gulo ang tagapagmana niyang anak na si Sir Leandrei." Sabi ni Ate Karen. Pinilit kong ngumiti parin.

"Ok lang po ako" tipid na sabi ko pero ang totoo niyan kabadong-kabado na ako.

"Nagtataka lang siguro yun kung bakit kasama mo si Sir, Leandrei sa bahay niya." Sabi nito.

"Ganun po ba" wika ko. Tumango si Ate Karen. Napakagat labi ako ng magbukas na ang elevator tapos napatingin ako kay Ate Karen.

"Ikaw na bahala" sabi niya, I forced to smile but deep inside sobrang kinakabahan na ako.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago binuksan yung office pero laking gulat ko ng makita ko ang mahabang table at nandun yung mga highest officials ng kumpanya. I just interrupted their meetings, dahil siguro sobrang kabado ko, yung conference room ang nabuksan ko.

"Ms. On the other room po" sabi nung isang empleyado. Ngumiti nalang ako tapos nagtungo na ako sa kabilang room, binuksan ko na yun at nandun si Mrs. DeFalco na prenteng nakaupo sa swivel chair nito.

"Hello po" Pinilit kong ngumiti sa kabila ng lakas ng kabog ng dibdib ko. Pinasadahan ako ng tingin head to toe, pati ako napatingin din ako sa sarili ko. Damit na naman kasi ni Leandrei itong damit ko kasi wala na akong maisuot. Great!

The Bad Boy's AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon