Chapter 19: King Superiors Protection

1.2K 41 10
                                    

Aider Leandrei's POV.

"Alam mo ba kapag ganyan na binibilhan mo daw ng sanitary ang babae ibig sabihin mahal mo siya dahil alam mo bang para sa mga lalaki nakakahiyang bumili ng napkin ngunit dahil mahal nila ang babae na gagamit, kakayanin nila"

Kahit anong iling ko hindi mawala yung sinabi nung tindera sakin. Kailangan ko bang bumili ng madaming sanitary para maramdaman niyang may gusto ako sa kanya. Mas lalo akong napailing sa isipang iyon. Hindi. Wala akong gusto sa kanya, nadala lang ako sa expensive love nung tindera. Tsk!

"Nabigay mo ba?" Tanong ni Axel sakin. Inirapan ko lang ito. Wala akong panahong makipag-usap ngayon.

"Suplado naman nito! Di ka ba masaya na nanalo siya kahapon? Tsaka bakit ka ba umalis agad nung nanalo siya? Hindi mo man lang binigyan ng power hug?"

"Mga siraulo kayo! Tantanan niyo ako hah!"

"Haha! Alam mo sa mga nagdaang araw, Leandrei. Hindi ka na namin kilala.. bakit ba napakatahimik mo ngayon at tahimik na din ang school. No trouble since nag-aral dito si Cadla. Takot ka sigurong mahabol noh?" Wika naman ni Gio tapos natawa sila. Tinignan ko sila ng masama kaya hindi na sila nagsalita.

Ok lang kaya siya ngayon? Hindi kaya masakit yung puson niya? Kainis naman.

"Masakit ba kapag nagkaroon ng period yung isang babae?" Biglang tanong ko sa kanila. Literal silang napahinto sa mga ginagawa nila tapos kunot-noong tumingin sakin. Yung nagtatakang tingin.

Tangina! Bakit ko nga ba kasi natanong? At mukhang nasa pagmumukha na nila ang alaskahin ako.

"Wow pare! Isang badboy magtatanong kung masakit daw ba kapag nagkaroon ang babae? Anong nangyari sayo? Iba na!!" Tapos nagtawanan na sila. Sabi ko na nga ba eh..

"Haha! Bakit mo naman natanong yan? Wag mong sabihing may period si Cadla. Oh my god! Dalaga na yung ampon mo?" Natatawang tanong ni Axel, binatukan ko nga ang gago. Nakakahiya! Ang lakas pa man din yung pagkakasabi niya.

"Ang ingay mo! Tahiin ko ng ballpen yang bunganga mo eh. Natural sino pa ba ang magkaka-period samin. Alangan namang ako?" Wika ko ngunit natawa lang ulit sila.

"Natural na yun sa kanila, hindi na bago" sagot ni Tom. Shit! Hindi ko akalaing natatanong ko ito.

"Paano mo naman alam?" Tanong ko kay Tom.

"Sinabi nung chix ko, I bang her during her period, siyempre nagulat ako kasi baka masakit tapos sabi niya hindi naman daw, natural na daw yun" paliwanag ni Tom, nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Ano daw? Nakipagsex si Tom sa babaeng may period? What the heck! Naturingang fvckboi ang gago.

"You really did that?" Nagtatakang tanong ko..

"Yes. Alam mo dude, kapag natikman mo talaga namang hahanap—.... wag ka ng magsalita baka masipa kita diyan!" Agad na wika ko kaya natawa lang ang loko.

"Siraulo! Pa-virgin.. imposible namang wala pang nangyari sa inyo ni Nicole dati" wika niya ulit pero inirapan ko nalang siya. Kahit kailan walang nangyari samin ni Nicole, hindi ko kailangang gawin yun. Dafak!

*****

Cadla Avarielle's POV.

"Ms. Cordovez, someone wanna talk to you. Please proceed to directors office" sabi nung professor namin, tumayo naman agad ako at kinuha yung mga gamit ko.

"Ok po" sabi ko bago lumabas sa room.

Wait lang? Ano daw? Directors office? Naalala ko nung last na nagkausap kami ni Tita Valerie at tinawag siyang Director, siya ba ang nagpatawag sakin? Nalaman na ba niyang dito na ako nag-aaral at pinag-aaral ako ni Leandrei dito. Patay na!

The Bad Boy's AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon