Chapter 16: The Game

1.3K 26 1
                                    


Cadla Avarielle's POV.

Paggising ko may nakita akong nakapatong na damit sa kama ko tapos isang box ng shoes, agad kong kinuha iyon. Dalawang pares na school unifor. Yung blouse at skirt tapos yung school shoes na 4 inches yata yung taas. Naknampucha!.. Tumakbo agad ako palabas ng kwarto upang tignan si Leandrei, sumilip ako sa pinto ng kwarto niya, nanlaki yung mata ko ng makita ko itong nakatapis lang siya ng towel tapos wala pang damit pero nakalikod siya. Napalunok ako. habang pinapasadahan ko ng tingin ang machong katawan nito napako ang tingin ko sa tattoo na nasa tagiliran nito..

Arrow at compass yung tattoo niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Arrow at compass yung tattoo niya. Nagtaka ako kasi ngayon ko lang ito nakita simula nung nandito ako sa bahay niya ngunit mas nanlaki ang mata ko ng humarap ito tapos kitang-kita ko yung abs niya. Pakiramdam ko pinagpawisan pati singit ko lalo na nung marahan nitong hinaplos dahil may nilagay siyang lotion doon. Shit! Bago pa ako makita nito tumakbo na ako sa kwarto ko dahil baka hindi ako makapagtiis, gahasain ko to sa loon ng kwarto niya. Haha!


Naligo na ako tapos sinuot ko na yung school uniform ko tapos yung shoes na pagkataas-taas. Ganito kasi yung mga suot nilang shoes sa Academy. Sabagay alam ko din naman maglakad ng nakaheels, wag lang akong asarin na naman ni Leandrei dahil baka sampalin ko na siya ng takong ng sapatos ko.


Lumabas na ako tapos nakita ko siyang nakaupo na sa sofa, halatang hinihintay ako.

"Let's go!" Nakangiting sabi ko, napatingin sakin tapos hindi agad siya nakapagsalita. Parang nawala sa sarili. "Huy! Sabi ko tara na!" Suway ko, napapikit-pikit pa ito na parang bumalik yung pagkatao niya..



"Ok" iyon lang ang nasabi nito tapos nauna na siyang lumabas. Habang nagdadrive siya napapansin kong hindi ito mapakali tapos maya-maya titingin ulit sakin. Ang weird!

Hindi ko nalang siya pinansin hanggang makarating kami School.

"Leandrei, wag mo nalang akong ihatid. Alam ko naman na yung room ko" sabi ko sa kanya.


"Hindi pwede. Ihahatid kita" wika nito tapos hinawakan na ako sa kamay sabay naglakad. Wala na akong nagawa kundi magpatangay na naman sa kanya. Nang makarating kami sa room doon lang niya binitawan ang kamay ko.


"Sige na. Salamat" nakangiting wika ko, akmang guguluhin na naman niya buhok ko pero agad kong tinampal iyon.


"Wag! Magugulo buhok ko, feel na feel ko pa man din uniform ko" Reklamo ko, napangiti ang loko.


"Ang arte mo! Di porke nagmukhang tao ka ngayon dahil diyan sa uniform mo!" Sabi nito, natulala agad ako sa sinabi niya.



"Tao naman ako ah!" Reklamo ko, natawa ito.


"Ngayon nga lang diba?" Natatawang wika niya kaya nahampas ko ito sa dibdib.


"Ang sama mo talaga!" Pagmamaktol ko, naramdaman kong nakatitig lang ito sakin para naman akong na-magnet sa mga titig nito tpos biglang nag-slow motion ang lahat ng nasa paligid ko maging ang paggalaw ng mga hibla ng buhok literal na bumagal tapos pakiramdam ko kami lang ang tao sa paligid.


The Bad Boy's AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon