Sabi nila

5 1 0
                                    

Sabi nila
Sukuan na kita
Bitawan na kumbaga
At humanap na ng iba

Madaling sabihin
Mahirap gawin

Pwedeng subukan
Pero mahirap panindigan

Iba ang dikta ng utak
Sa tinitibok ng puso

Kaya ang ending
Balik tayo sa simula nito

Sabi nga nila
Sukuan na daw kita

Eh pano ko ba gagawin yun
Kung ang puso'y ayaw sumang-ayon na gawin iyon
Na ang utak ay nagsasabing
"Itigil mo na yan, maawa ka kasi mukha ka ng tanga."

Bitaw na
Kahit ang hirap pa

Kasi siya'y talagang wala na
Wala na,
Kasi siya, bumitaw na

Pano ka nga ba bibitaw
Kung ang meron kayo ay wala namang "tayo"

Umaasa lang naman si "ako"
Pinaasa ka naman kasi ni "ikaw"
Na kahit akala mong "tayo"
Pero sa huli wala naman talagang "kayo"

So paano nga ba eto
Kumakapit ka sa wala
Tanga ka ngang talaga

Kaya makinig ka sa sabi nila
Bitaw na
At humanap ka na ng iba

23 October 2015

My Thoughts My DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon