Ano nga ba kasing meron sa iyo
At nahumaling ako sayo ng todo
Pero di naman talaga tayo tali
Kasi babae ka sa mata ng diyos at ng tao
May pusong lalaki ka kaya feeling mo magkaiba tayoAlam ko naman na malabong maging tayo
Kasi kaibigan lang ako sa tingin mo
Pero puso ko'y sa iyo'y nagkagusto
Kaya di na alam kung tama pa ba etoNung tipong ako ay susuko
Ikaw naman etong sa aki'y nagpakita ng motibo
Kaya ang paglimot ko ay nabigo
Lumalim tuloy ang aking pagkagustoPero ang ending wala pa ring tayo
Kasi ang kasunduan ay maging masaya lang dapat tayo
Sa kung anong kakaibang namamagitan sa ikaw at akoMasaya ako sa status na nabuo
Pero di ko mapigilang umasang magkaroon ng tayo
Kaya sa huli, puso ko'y nasasaktan mo
Kaya pilit lumalayo para naman di aki tuluyang gumuhoSa nangyayari sa meron tayo
Sa kilos mo kasi akala ko'y may pag-asa ako
Tapos bigla kong nararamdaman ang totoo
Mukhang nananaginip nga lang talaga akoAndun pa rin naman yung pag-asa ko
Pero ewab ko ba kung bakit nasasaktan ako
Eh alam ko naman kung ano lang ako sa iyo
Friends with benefit pa nga ang sabi moGusto ko sana talagang manatiling kaibigan mo
Kasi alam kong sa relasyon wala pa sa isip mo
Sa landian, yan dyan ka boto
Pero hanggang saan naman kaya etoMahal kita yan ang totoo
Kahit para sa iyo ako ay nageekperimento
Sa tulad nyung sobrang curious ako
Pero ewan ko ba etong puso koDi mapigilan ang pagtibok para sa iyo
Kahit alam kong wala akong karapatang masaktan ng dahil sa iyo
Pero dah di naman bato ang aking puso
Nasusugatan at nasasaktan eto ng dahil sa iyoAng pag-iwas ko ay gusto ko lang malaman ang totoo
Kung hahanapin mo din ba ako tulad ng mga kaibigan mo
Pero eto ay napatunayan ko
Wala nga akong halaga sa buhay moKaya ako ay nasasaktan para sa sarili ko
Ano bang mali at ayaw mo sa tulad ko
Alam ko namang di ko eto deserve dahil ako naman at totooO mali lang talaga ang taong pinipili ng letseng puso ko
Pero sana naman di mo na pinaabot sa ganito
Dahil sa mga alaalang ikaw ang bumuo
Kasama sa ligayang meron tayo04302022
BINABASA MO ANG
My Thoughts My Diary
De TodoIts a collections of memories written in poetry based on what and how i feel ,")