Eto ang loveteam na sobrang kakaiba at kahanga-hanga
Kasi nga isang proud out na bakla at isang dalagang pinagsama
Sa It's Showtime na programa doon nagsimula
After ng on cam kiss nila boom dumami bigla ang mga babies nila
Sa pagtatambal ng dalawa, chemistry nila ay talagang kapuna-puna
Kikiligin ka pa sa bawat sweetness at clinginess na hatid nilang dalawa
Kasi nga may "something daw sila" na sila lang din ang nakakadama
Pero kitang kita naman sa mga kinikilos nila
Pogi si bakla, mapababae o mapalalaki pa ang outfit niya
Kahit sino kikiligin sa porma at galing niya
Na kahit guys pa rin ang bet niya
Mukhang etong si kulot na dalaga ang magpapabago ng pagkatao niya
Maganda, sexy talaga etong kulot na dalaga
Kaya tinawag ni pogi na kurba, kasi obvious naman di ba
At sino ba naman ang hindi hahanga sa galing sa pag-awit at angking
ganda
Hunghang lang ang lalaking hindi mahuhulog sa kanya
Dahil sa eto'y isang loveteam lang ng programa
Ang katotohanan ay masakit para sa mga tagahanga nila
Umaasa pa naman na magiging sila
Pero ito ay malabo ng makita
Dahil si kulot na kurba, nag-asawa na ng iba
Bumubuo ng pamilya na hindi si baklang pogi ang kasama
Kaya etong si bakla balik pagirl na
Kasi wala na ngang pag-asa na maging sila pa
Kaya't pagiging magkaibigan ang tanging meron na lang sila
May sweetness pa rin naman kahit mukhang may ilang na
Pero sa programa iyo pa rin naming makikita
Ang chemistry at kilig na hatid ng dalawa
Buti na lang at meron si Billy, ang presidente ng tropa
Lalo na ang VP Jugs na sobrang active sa pagkuha ng mga moments nila
Kahit nga si ngangabu Anne, kinikilig sa dalawa
Kaya push lang ng push sa loveteam ng dalawa
Di man maging totoo ang kung anong meron dapat sila
Malay mo sa next life or sa near future, pwede pang maging sila
At kung maging totoo man ang pangarap ng mga tagahanga
Siguradong ang suporta nila at talagang di na mawawala
Sa loveteam na kung tawagin ay VICERYLLE,
VICE GANDA at KARYLLE na pinagsama.
AUGUST 2015
AUTHOR'S NOTE:
cencia na sa aking gawa, wala lang talaga akong magawa
kahit mukhang pucho pucho lang ang aking tula
masaya ako kasi talagang paborito ko silang dalawa ,")
#Vicerylleforever
BINABASA MO ANG
My Thoughts My Diary
De TodoIts a collections of memories written in poetry based on what and how i feel ,")